Jodi Sta. Maria, nahanap ang ama ngunit hindi na ito nakilala pa

Jodi Sta. Maria, nahanap ang ama ngunit hindi na ito nakilala pa

- Matapang na ibinahagi ang ilang detalye tungkol sa kanyang buhay lalo na ang paghahanap niya noon sa kanyang ama

- Inakala lamang niyang nasa abroad ang ama kaya hindi nila ito kasama ng kanyang ina at kuya

- Subalit noong naging artista na siya at nagkaroon na raw umano ng mga koneksyon, mas napadali ang paghahanap niya sa ama

- Nahanap naman niya at nakumpirmang iyon nga ang ama ngunit hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong magkasama pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang makabuluhang panayam ang ibinahagi ni Karen Davila kasama ang 'A Broken Marriage Vow' Star na si Jodi Sta. Maria.

Nalaman ng KAMI na marami umano silang napag-usapan at isa na rito ay ang pagpapalaki sa kanilang magkapatid ng nanay nilang single mother.

Jodi Sta. Maria, nahanap ang ama ngunit hindi na ito nakilala pa
Jodi Sta. Maria (@jodistamaria)
Source: Instagram

Buong pag-aakala ni Jodi na nasa abroad nga ang ama gaya ng laging sinasabi ng kanyang ina kaya hindi nila ito nakakasama.

Read also

Virgelyncares, nasa ospital; pinabulaanan ang kumakalat na agaw-buhay na siya

Subalit habang lumalaki siya, aminadong nagkakaroon na siya ng agam-agam kung nasaan nga ba ang kanyang tatay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong siya'y mapasok na sa showbiz, nagkaroon na umano siya ng kakayahang mahanap ang ama. Hindi niya muna ito ipinaalam sa ina ngunit kumbinsido na siyang nakita na nga niya ang kanyang ama.

Ipinagbubuntis pa lamang daw siya noon ng kanyang mama nang iwan na sila ng kanyang tatay.

At nang magkaroon ng lakas ng loob si Jodi na tanungin ang ina kung iyon nga ang kanyang tatay, tamang tao nga ang nahanap niya.

Sa kasamaang palad, kahit na nahanap na niya ito, hindi na niya ito makakasama pa.

"I wasn't able to meet him it's because when I found out who he was, he was long gone. he passed away 2001," paliwanag ni Jodi.

Read also

Madam Inutz, ngiting tagumpay sa picture niya kasama si Piolo Pascual

Gayunpaman, nakilala naman niya ang iba pang mga anak ng kanyang tatay gayundin ang iba pang miyembro ng pamilya nito.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Jodi na mapapanood sa Karen Davila YouTube channel:

Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga iconic actresses sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang si "Maya" sa 'Please be careful with my heart.' Siya ay nabiyayaan ng isang anak na lalaki na si Thirdy.

Sa ngayon, pinakaaabangan gabi-gabi ang teleserye niyang 'The Broken Marriage Vow' kasama sina Zanjoe Marudo at Sue Ramirez.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagganap ni Jodi sa episode kung saan kahit walang sinasabing linya ay kitang-kita ang emosyon at husay niya bilang aktres.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel