Madam Inutz, ngiting tagumpay sa picture niya kasama si Piolo Pascual

Madam Inutz, ngiting tagumpay sa picture niya kasama si Piolo Pascual

- Ngiting tagumpay na si Madam Inutz sa picture kung saan nakasama na niya si Piolo Pascual

- Aniya, matagal na niyang 'pinagpapantasyahan' si Piolo noong kadalagahan niya at ngayon, ka-eksena na niya

- Matatandaang kamakailan lang ay ibinahagi ni Madam ang kanyang paghahanda sa isang lock-in taping para sa isang project na makakasama nga niya si Piolo

- Bukod dito, nakapag-recording na rin si Madam ng ilang mga awitin gayundin ang music video para rito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Madam Inutz ang picture kung saan kasama na niya si Piolo Pascual.

Nalaman ng KAMI na kasalukuyang nasa lock-in taping si Madam para sa isang proyekto kung saan makakasama niya si Piolo.

Sa kanyang post, nasabi ni Madam na matagal na niyang pinagpapantasyahan ang aktor mula pa nang siya ay dalaga pa.

Madam Inutz, ngiting tagumpay sa picture niya kasama si Piolo Pascual
Madam Inutz kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino (Photo: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Ngayon tila hindi makapaniwala si Madam na kasama na niya sa isang larawan si Piolo at makakaeksena pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa niya, talagang game na game siya sa anumang scenes basta kasama ang kanyang "Papa Pi."

Mapapansing, napa-comment naman ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino at sinabing behave lang dapat si Madam.

"Ui behave ka dyan tiiii. akin yan bwahahaha nag se-Selos ako. Charuuught!!" komento ni Sir Wil.

Maging si Herlene 'Hipon Girl' Budol na kanyang bagong sister ay napa-comment din at sinabing 'regards' daw kay Papa Pi.

Narito ang kabuuan ng kanyang makulit na post:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Nang makalabas sa bahay ni Kuya, agad niyang hinarap ang mga proyektong inihanda sa kanya ng manager na si Wilbert Tolentino.

Kabi-kabilang mga guestings at interviews ang kanyang pinaunlakan at patuloy pa rin ang kanyang pagiging online raketera dahil sa mga bagong produkto na kanilang nai-launch kamakailan.

Masaya ring naibalita ni Madam Inutz na nanalo rin siya bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer ng Gawad Amerika.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel