Contestant sa It's Showtime, kinilig nang yakapin ni Vice Ganda

Contestant sa It's Showtime, kinilig nang yakapin ni Vice Ganda

- Isang contestant sa isang patimpalak sa It's Showtime ang umaming crush niya noon pa man si Vice Ganda

- Aminado siyang nagkakagusto daw siya sa kagaya ni Vice Ganda na hindi straight na lalaki

- Sa katunayan umano ay nanghinayang siya noong pinuntahan niya ito noon sa It's Showtime at hindi niya nakuhang makapagpa-picture kasama si Vice

- Kinilig at nagpasalamat naman siya nang hawakan ni Vice ang kanyang kamay at yakapin siya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naaliw sa mga nakaktuwang eksena sa It's Showtime nitong Miyerkules. Isang contestant ang umaming crush niya noon pa man si Vice Ganda. Kinilig at nagpasalamat naman siya nang hawakan ni Vice ang kanyang kamay at yakapin siya nito.

Contestant sa It's Showtime, kinilig nang yakapin ni Vice Ganda
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Aminado siyang nagkakagusto daw siya sa kagaya ni Vice Ganda na hindi straight na lalaki. Sa katunayan umano ay nanghinayang siya noong pinuntahan niya ito noon sa It's Showtime at hindi niya nakuhang makapagpa-picture kasama si Vice.

Read also

Vice Ganda, na-enjoy pa rin ang kanyang 'super scary flying experience'

Ayon naman kay Vice, flattered siya na may nakaka-appreciate sa kanya. Marami naman ang natawa sa tila pabirong pag-aastang lalaki ni Vice.

Nilinaw naman ng contestant na masaya siya para sa kanyang crush dahil nakatagpo ito ng taong magmamahal sa kanya ng tunay sa katauhan ni Ion Perez. Aniya, kahit sa Telebisyon lang at social media ay ramdam niyang tunay ang kanilang pagmamahalan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

Dating guro sa Pinas, masaya na ngayon sa pagiging welder sa Canada

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel