Vice Ganda, na-enjoy pa rin ang kanyang 'super scary flying experience'

Vice Ganda, na-enjoy pa rin ang kanyang 'super scary flying experience'

- Ibinahagi ni Vice Ganda ang nilarawan niyang 'super scary flying experience'

- Buong tapang kasi itong sumakay ng isang klase ng ultralight aircraft sa Pampanga

- Makikitang nag-enjoy naman si Vice at happy naman umano siya sa naging experience

- Isa lamang ito sa mga masasayang karanasan na naibahagi niya sa kanyang YouTube channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang exciting ang pinakabagong video ni Vice Ganda kung saan ipinakita niya ang nilarawan niyang 'super scary flying experience'.

Nalaman ng KAMI na nagtungo si Vice sa Pampanga kasama ang kanyang mga kaibigan upang masubukang sumukay sa isang uri ng ultralight aircraft.

Vice Ganda, na-enjoy pa rin ang kanyang 'super scary flying experience'
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Quick silver light sports aircraft ang sinakyan ni Vice kasama ang piloto. Bago sumakay, sinuri muna ni Vice ang nasabing aircraft.

Bagaman at bago raw ito, naitanong niya kung may nakasakay na ba rito at kung maayos itong nakabalik.

Read also

Madam Inutz, ibinahagi ang behind the scenes ng recording niya ng kantang 'Marites'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi ba nakakatakot parang tarpaulin lang 'to kuya?"

"Baka mamay pagtingin ko sa taas may nakalagay na ano, poster pala ito ng pelikula ko dati"

"Parang cartolina lang. Parang project ko lang 'nung grade 6," ani Vice.

Ngunit nang sumakay na siya rito, makikita ang pinaghalong kaba at saya sa kanyang kakaibang experience.

"Sadyang scary lang for a first timer pero it was such a good experience," pahayag ni Vice.

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang YouTube channel:

Si Vice Ganda ay isang sikat na artista comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Read also

Contestant sa It's Showtime, kinilig nang yakapin ni Vice Ganda

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Noong 2021, naibahagi ni Vice ang madamdaming video kung paano niya sinurpresa ang kanyang pamilya sa bagong tahanan ng mga ito na regalo niya. Katunayan, doon pa sila nagdiwang ng Kapaskuhan.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel