Vice Ganda, labis na napasaya ang mga kasama sa bahay noong Kapaskuhan

Vice Ganda, labis na napasaya ang mga kasama sa bahay noong Kapaskuhan

- Ibinahagi ni Vice Ganda kung paano pinagdiwang ng kanilang pamilya at mga kasama sa bahay ang Kapaskuhan

- Makikita sa video kung gaano kasaya maging ang mga staff at kasama sa bahay nina Vice sa naging salo-salo nila sa Noche Buena

- Nagkaroon din sila ng masayang mga palaro na talagang na-enjoy ng bawat isa sa kanila

- Maging ang ina ni Vice ay sobrang happy sa kanilang pagsasama-sama dahil kumpleto raw sila noong Kapaskuhan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Super saya ng naging selebrasyon nina Vice Ganda at ng kanyang pamilya sa nagdaang Kapaskuhan.

Nalaman ng KAMI na nagtipon-tipon sila sa bahay ng kanyang Mommy Rosario kung saan kumpleto raw sila at maging si Ion ay kasama rin ni Meme.

Vice Ganda, labis na napasaya ang mga kasama sa bahay noong Kapaskuhan
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Mapapansin din ang mga staff at kasama sa bahay nina Vice na bihis na bihis at sila pa ang umokupa sa dining table sa loob ng bahay habang ang pamilya naman ni Vice ang nasa labas.

Read also

Team Kramer, namigay ng paracetamol syrup sa mga nangangailangan nito

Kaya naman biniro sila ni Meme Vice na sila talaga ang mga amo at nagpasalamat siya sa mga ito sa pag-imbita sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mababakas ang saya sa bawat isa nang mag-gift giving na sila na karamihan ay natupad ang hiling sa mga naibigay sa kanila ni Vice.

Nag-enjoy din ang lahat sa makulit na 'sandok salapi' challenge ni Vice na sinundan din ng 'dutdut salapi' challenge.

Narito ang kabuuan ng masaya at makulit na Christmas celebration kasama ng Viceral family:

Si Vice Ganda ay isang sikat na artista comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Read also

Madam Kilay, ibinahagi ang naipundar na property na katas ng kanyang vlogging

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Kamakailan, naibahagi ni Vice ang madamdaming video kung paano niya sinurpresa ang kanyang pamilya sa bagong tahanan ng mga ito na regalo niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel