Vice Ganda, hinamon ng English only challenge si Ion Perez

Vice Ganda, hinamon ng English only challenge si Ion Perez

- Game na game si Ion Perez na kumasa sa English only challenge ng kanyang kasintahang si Vice Ganda

- Habang sila ay nagsa-shopping, naisipan ni Vice na hamunin si Ion na mag-English lamang sa loob ng isang oras

- Hindi napapansin ni Ion na nakapagsasalita na siya ng Tagalog at nahuhuli naman siya ni Vice

- Aminadong nahirapan sa challenge ngunit ayon kay Ion isang achievement ang kanyang nagawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kumasa si Ion Perez sa English only challenge sa kanya ni Vice Ganda. Sa kanilang pagsa-shopping, naisip ni Vice na hamunin si Ion na mag-English lamang sa loob ng isang oras.

Nalaman ng KAMI na hindi umatras si Ion na nakipagsabayan ng pagsasalita ng English kay Vice.

Vice Ganda, hinamon ng English only challenge si Ion Perez
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Facebook

Subalit makailang beses pa rin na nagsalita ng Tagalog si Ion na nahuhuli naman ni Vice.

Read also

Alexa, nasaktan sa mga komento galing sa kanyang mga co-housemates

Gayunpaman patuloy pa rin ang pagsasalitang English ni Ion kahit aminado siyang nahihirapan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"So what's up madlang pipol, how are you? The challenge is so hard to me, you know that. Let's do it"
"My nose is bleeding already!"

Aliw na aliw din si Vice sa kung paano bigkasin ni Ion ang mga kilalang mamahaling brands na kanilang nadadaanan. Gayunpaman, isa pa rin daw achievement para kay Ion ang pagkasa niya sa English only challenge ni Vice.

"To my fellow followers, neighborhood, and also my family, I think this is the time, This is the biggest achievement so far. So that's it!"
"I challenge myself, for English language. So hard for me... It's so hard for me, I can't explain that's it"

Narito ang kabuuan ng makulit na video ng magkasintahang sina Vice at Ion mula sa YouTube channel ni Vice Ganda:

Read also

Pari, kinaaliwan sa mensahe niya sa kanyang ex sa araw ng kasal nito

Si Vice Ganda ay isang sikat na artista comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 5.95 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Kamakailan, naibahagi ni Vice ang madamdaming video kung paano niya sinurpresa ang kanyang pamilya sa bagong tahanan ng mga ito na regalo niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel