Ali Khatibi, nakasama ang anak nila ni Cristine Reyes na si Amarah sa Siargao

Ali Khatibi, nakasama ang anak nila ni Cristine Reyes na si Amarah sa Siargao

- Ibinahagi ni Ali Khatibi ang mga litrato nila ng kanyang anak na si Amarah sa kanilang bakasyon sa Siargao

- Matatandaang kamakailan lang ay sinabi ni Ali na na-mi-miss niya na ang anak nila ng dating asawang si Cristine Reyes

- Inamin naman ng aktres na nakapag-move on na siya sa paghihiwalay nila ng kanyang dating mister

- Matatandaang ikinasal sina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa isang beach wedding sa Balesin noong January 27, 2016

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang ibinida ni Ali Khatibi ang mga pictures nila ng kanyang anak na si Amarah habang nasa Siargao. Base sa kanyang post nagtungo sila sa Alpas Siargao kasama ang anak nila ni Cristine Reyes.

Ali Khatibi, nakasama ang anak nila ni Cristine Reyes na si Amarah sa Siargao
Cristine Reyes, Amarah and Ali Khatibi (@mralikhatibi)
Source: Instagram

Marami ang natuwa na makitang muling nagkasama ang mag-ama. Meron ding iba na umasang sana ay magkabalikan pa sina Cristine at Ali.

Read also

Lovely Abella, binalikan ang karanasan nila ni Benj Manalo noong walang-wala pa sila

Amarah so pretty and sweet baby girl. Nakaka happy makitang kahit hiwalay ang parents niya ay nakakasama niya pa rin sila parehas.
You look like your mom Amarah. Enjoy your time with your dad. Sana lahat ng magulang laging iniisip ang kapakanan ng anak kahit nagkahiwalay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ang isa sa pinakapinanghinayangan ko na couple eh. Pero okay na lang kung hindi talaga mag work wala naman tayong magagawa kundi suportahan na lang natin sila.

Si Ali Khatibi ay isang Filipino-Iranian actor, model at martial arts expert. Ilan sa kanyang mga ginawang TV shows ay Init Sa Magdamag , Tadhana: Salisi, Hush (iWant Series), Sandugo, Maalaala Mo Kaya: Tubig, Maalaala Mo Kaya: Bibliya (Bible) at marami pang iba.

Read also

Elisse Joson sa pagbubuntis niya kay baby Felize: "I am also scared"

Isa din siyang fighter sa Universal Reality Combat Championship (URCC), isang mixed martial arts league sa bansa.

Ikinasal sina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa isang beach wedding sa Balesin. Biniyayaan sila ng anak na babae na bibong-bibo sa mga videos na ibinabahagi ng Cristine sa Instagram.

Umugong ang usap-usapang hiwalay na ang mag-asawa nang hindi na nila kasama ang isa't isa sa mga ibinabahagi nilang mga larawan at videos sa social media. Diretsahang sinabi ni Cristine na naka-move on na siya paghihiwalay nila.

Samantala, naging usap-usapan din ang pag-amin ni Ali na na-mi-miss niya ang anak na si Amarah.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel