Claudine Barretto, binalaan ang mga fans tungkol sa "red flags" sa pagkakaibigan

Claudine Barretto, binalaan ang mga fans tungkol sa "red flags" sa pagkakaibigan

  • Lumayo si Claudine Barretto sa dalawang kaibigan matapos nilang tumangging suportahan siya laban sa isang "kriminal"
  • Ikinuwento ng aktres na may isang taong ginamit ang kanyang pangalan upang mangutang ng pera nang hindi niya alam
  • Nadismaya si Claudine dahil hindi tumestigo ang kanyang mga kaibigan kahit nalaman nilang wala siyang kinalaman sa insidente
  • Binalaan niya ang kanyang mga tagahanga tungkol sa mga "red flags" sa pagkakaibigan at hinikayat silang lumayo sa mga taong hindi marunong manindigan sa tama

Ibinahagi ng aktres na si Claudine Barretto ang kanyang naging karanasan sa pagkakaibigan, kung saan napilitan siyang lumayo sa dalawang malalapit na kaibigan matapos umanong hindi siya suportahan sa isang isyu laban sa isang "kriminal."

Claudine Barretto, binalaan ang mga fans tungkol sa "red flags" sa pagkakaibigan
Claudine Barretto, binalaan ang mga fans tungkol sa "red flags" sa pagkakaibigan (PHOTO: @claubarretto/Instagram)
Source: Instagram

Sa isang post sa Instagram noong Pebrero 6, ipinaalala ni Claudine ang kahalagahan ng katapatan sa isang relasyon, lalo na sa pagkakaibigan. Aniya, “The other day I lost two of what I thought is like family to me. It’s sad when people cannot understand the concept of loyalty! Ang tatanda na natin di pa rin alam meaning nito.”

Read also

Philmar Alipayo, binahagi sa IG story ang kanyang komento sa gitna ng kontrobersiya

Ikinuwento rin ng aktres na may isang tao na ginamit umano ang kanyang pangalan upang mangutang ng pera nang hindi niya nalalaman. Matapos niyang matukoy ang may sala at maireport ito sa pulisya, nadismaya siya nang tumanggi ang kanyang mga kaibigan na tumestigo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Alam niyo na nga di ako ‘yun at umamin na ‘yung totoo ng gumamit ng name ko, yet saan dun as friends did you protect me?” ani Claudine.

Binalaan niya ang kanyang mga tagahanga, na tinatawag niyang "Palanggas," na mag-ingat sa ganitong klase ng pagkakaibigan. Ayon sa kanya, “Please know that if a friend or friends know that you are telling the truth [and] won’t stand up to witness on your behalf [and] sides with a criminal, red flag.”

Hindi pinangalanan ni Claudine ang mga dating kaibigan na tinutukoy niya, ngunit binigyang-diin niyang mas mabuting lumayo sa mga taong hindi marunong manindigan sa tama.

Read also

DJ Koo, nag-post sa pagdiriwang ng wedding anniversary nila ni Barbie Hsu

Si Claudine Barretto ay nakilalang at nagsimula sa kanyang karera bilang isang child actress. Sumikat siya sa kanyang mga pagganap sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga pinakatanyag na proyekto ay kasama ang "Mula sa Puso," "Sa Dulo ng Walang Hanggan," at "Milan.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuporta ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate