Kylie Padilla, binahagi ang saloobin niya sa single motherhood sa pamamagitan ng isang tula

Kylie Padilla, binahagi ang saloobin niya sa single motherhood sa pamamagitan ng isang tula

  • Ibinahagi ni Kylie Padilla ang kanyang saloobin sa pagiging single mother sa pamamagitan ng isang tula na inilathala niya sa social media
  • Ipinahayag niya ang hirap ng pagiging isang ina at ama nang sabay habang hinaharap ang matinding pagod, depresyon, at pangamba sa sarili
  • Ibinahagi niya ang kanyang damdamin tungkol sa "mom guilt" at ang pagsisikap niyang iparamdam sa kanyang mga anak ang kanyang pagmamahal
  • Ipinahayag niya na sa kabila ng lahat, ang pagmamahal ng kanyang mga anak ang patuloy na nagbibigay sa kanya ng lakas at pag-asa

Nagpahayag ng kanyang damdamin si Kylie Padilla tungkol sa pagiging isang single mother sa pamamagitan ng isang tula na kanyang ibinahagi sa social media. Sa kanyang tula, inilalarawan niya ang mga hamon at hirap na kanyang kinakaharap bilang isang ina na mag-isang nagpapalaki ng kanyang mga anak.

Kylie Padilla, binahagi ang saloobin niya sa single motherhood sa pamamagitan ng isang tula
Kylie Padilla, binahagi ang saloobin niya sa single motherhood sa pamamagitan ng isang tula (PHOTO:@kylienicolepadilla /Instagram)
Source: Instagram

"Single motherhood is the hardest

You're mom and dad

Both nurturer and disciplinarian But above all the protector

Read also

Josh Santana, kinanta ang Tagalog version ng ‘Qing Fei De Yi’ bilang pag-alala kay Barbie Hsu

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Even against your worst kind of self"

Ayon kay Kylie, napakahirap ng pagiging single mom dahil kailangang gampanan ang parehong papel ng ina at ama, maging isang tagapag-alaga at tagapagsaway, at higit sa lahat, isang tagapagtanggol laban sa anumang panganib—pati na rin laban sa sarili.

Binanggit din niya ang matinding pagkapagod na kaakibat ng responsibilidad na ito, lalo na kung kinakaharap ang depresyon, anxiety, at self-doubt. Aniya, "Single motherhood is d^mn near impossible / When you are plagued with depression and anxiety / Or when you are filled with self doubt / And you feel completely isolated and alone."

Isa rin sa pinakamabigat na hamon na kanyang binanggit ay ang "mom guilt" o ang pakiramdam ng pagkukulang bilang isang ina. "Mom guilt is the absolute worst / Because missing out is the worst / All you can do is make the small moments count," saad niya sa kanyang tula. Sa kabila ng lahat, naniniwala siyang ang pagmamahal niya sa kanyang mga anak ang pinakamahalagang maipaparamdam niya sa kanila.

Read also

Sekyu, patay matapos barilin ng kasamahan dahil late umano ito

Dagdag pa niya, "Being a single mom means trying to make everyone else look good / While you settle to become annoying and repetitive / And taking in that pain of knowing that you needed to be tough." Inamin din niya na sa kabila ng mga pagsubok, ang pagmamahal ng kanyang mga anak ang siyang patuloy na nagbibigay sa kanya ng lakas. "That it was their love that kept saving her / It was them that was mama's super hero."

Marami ang naantig sa mensahe ni Kylie, lalo na ang mga kapwa niya single mothers na nakaka-relate sa kanyang mga hinaing. Ipinakita ng kanyang tula ang totoong emosyon at sakripisyo ng isang ina, lalo na ang pagsusumikap niyang mapalaki nang maayos ang kanyang mga anak sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaraanan.

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Read also

Barbie Hsu, pumanaw ilang araw bago ang 3rd wedding anniversary nila ng asawa

Naitanong kay Kylie ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval ng kanilang relasyon na itinaon nila sa paggunita ng Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan.

Diretsahang sinabi ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate