John Wayne Sace, hagip sa CCTV na tila nagmanman sa biktima bago ang krimen
- Pursigido ang pamilya ng biktimang si Lynel Eugenio na magsampa ng kasong murder laban kay John Wayne Sace
- Ayon sa anak ng biktima, ikinagulat nila ang pagbaril ni Sace dahil magkababata at magkaibigan ang dalawa
- Hindi naniniwala si Eugenio sa sinabi ng suspek na pinagbantaan siya ng kanyang ama
- Patay si Lynel sa apat na tama ng bala matapos pagbabarilin ni Sace sa Pasig City, at nahuli ang suspek sa isang motel sa Barangay Oranbo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kita sa CCTV ang tila pagmamatyag ni John Wayne Sace sa biktima bago ang krimen. Matapos ang pamamaril, kaswal na naglakad si Sace at sumakay ng taxi. Natunton siya ng mga pulis sa isang motel sa Barangay Oranbo, Martes ng umaga.
Pursigido ang pamilya ng sinasabing napaslang ng dating aktor na si John Wayne Sace na magsampa ng kasong murder. Ayon kay Cristel Eugenio, anak ng biktima, ikinagulat nila ang pagbaril ni Sace kay Lynel dahil magkababata at matalik umanong magkaibigan ang dalawa.
“Sana mabulok na siya sa bilangguan, hindi na makalabas,” ang pahayag ni Eugenio, na nagdagdag, “Sana panagutan niya kasi hindi lang po buhay ko sinira niya, pati buhay ng kapatid ko, 14-anyos, minor pa.” Hindi naniniwala si Eugenio sa sinabi ng suspek na pinagbantaan ng kanyang ama ang buhay ni Sace at ng kanyang pamilya, sabing, “Magkadikit po talaga ‘yon eh. Ultimo bantaan siya, hindi talaga magagawa ni papa ‘yon eh.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa katotohanan, sinabi ni Eugenio na nawalan na ng oras ang kanyang ama para sa kanila dahil sa pag-aalaga sa mga problema ng iba. Nanghihinayang siya dahil sa wakas ay nakahanap na umano ng trabaho ang kanyang ama bago ito napaslang. “Magbi-birthday pa naman ‘yong kapatid ko. Sobrang saya ni papa kasi nakahanap siya ng trabaho kasi magbi-birthday ‘yong kapatid ko, para sana may panghanda. Tapos ganon ‘yong mangyayari,” ang pahayag niya. “Pinipilit na lang po naming maging matatag.”
Patay si Lynell Eugenio sa apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang pagbabarilin siya ni Sace sa Feliciano Street sa Barangay Sagad, Pasig City noong Lunes ng gabi.
Si Sace, na dating Star Magic talent, ay naging popular bilang dancer sa 'ASAP' at sumikat sa teleseryeng ‘Guns and Roses’ noong 2011. Lumabas din siya sa indie film na 'Pintakasi.'
Noong nakaraang taon, buong tapang nang inamin ni John Wayne na nakasama siya umano sa watchlist ng 'Oplan Tokhang'. Sa panayam na iyon sa kanya sa Rated K, nabanggit niyang nais pa sana niyang makabalik sa showbiz kung bibigyan ng pagkakataon.
Samantala, buong tapang na inihayag ni John Wayne ang mga naganap sa kanyang buhay nang mawala sa showbiz. Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, inamin ni John Wayne ang pagkakalulong sa bisyo at iba pa pang hindi magagandang karanasan na kaakibat nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh