Ai Ai Delas Alas, bukas makipag-collab kay Angelica Yulo sa live selling: "Team Nanay ako"

Ai Ai Delas Alas, bukas makipag-collab kay Angelica Yulo sa live selling: "Team Nanay ako"

- Bukas si Ai Ai Delas Alas na makipag-collab kay Angelica Yulo sa live selling

- Sinabi ni Ai Ai na susuportahan niya ang live selling ni Angelica at bibili ng mga paninda nito

- Naiintindihan umano ni Ai Ai ang pinagdaraanan ni Angelica bilang kapwa ina

- Ipinahayag ni Ai Ai na mananatili siyang "team nanay" kahit ma-bash siya dahil dito

Sa isang press conference para sa "The Clash 2024," ibinahagi ni Ai Ai Delas Alas na bukas siya sa posibilidad na makipag-collaborate kay Angelica Yulo, ina ng sikat na gymnast na si Carlos Yulo, sa live selling. Ayon sa Comedy Queen, susuportahan niya ang anumang pinagdaraanan ni Angelica bilang kapwa ina, at nangako pa siyang bibili ng mga paninda nito sa susunod na live selling session.

Ai Ai Delas Alas, bukas makipag-collab kay Angelica Yulo sa live selling: "Team Nanay ako"
Ai Ai Delas Alas, bukas makipag-collab kay Angelica Yulo sa live selling: "Team Nanay ako"
Source: Facebook

Ipinahayag ni Ai Ai na naiintindihan niya ang hirap ng pagiging ina, lalo na't nalalagay sa alanganin ang relasyon ng isang anak at magulang. Aniya, ang mga isyu tungkol sa pera ay hindi dapat maging dahilan upang makalimutan ang sakripisyo ng isang ina sa kanyang anak.

Read also

Doc Willie Ong, binahagi ang tingin niyang dahilan ng pagkakaroon niya ng cancer

Muli ring nabanggit ni Ai Ai na handa siyang tumulong sa pamamagitan ng pag-promote ng mga ibebentang t-shirt at pampaputi ni Angelica, at sinabi pa niyang magiging masaya ang kanilang live selling collaboration.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng mga kontrobersiyang nakapalibot sa kanya, ipinahayag ni Ai Ai na mananatili siyang "team nanay" at ipaglalaban niya ang mga ina, kahit pa ma-bash siya dahil dito.

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang performer, comedienne at isa din siyang film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit. Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.

Pinasalamatan ni Ai-Ai delas Alas ang asawang si Gerald Sibayan sa naging sorpresa nito para sa kanya. Isang Hello Kitty makeover para sa bahay nila ang regalo niya para sa ika-pitong taon nilang dalawa bilang magkarelasyon. Ibinahagi din ni Ai-Ai ang litrato ng bahagi ng kanilang bahay na tadtad ng kinagigiliwan niyang Hello Kitty. Hindi maitago ni Ai-Ai ang kanyang kasiyahan sa ginawa ni Gerald para mapasaya lang siya.

Read also

Lovi Poe, napa-'sana all' sa binahaging picture ni Toni Fowler

Sa kanilang pagdiriwang ng ika-apat na taon bilang mag-asawa, isang pagbati ang ibinahagi ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas. Binalikan niya ang masasayang sandali nang ikinasal sila ng kanyang nister na si Gerald Sibayan noong December 12, 2017. Kalakip ng ibinahaging wedding photos, hiling niya ang marami pang taong pagsasama nilang mag-asawa. Matatandaang namalagi sa Amerika ang mag-asawa para pagtuunan ang kanilang buhay may asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate