Ai-Ai delas Alas, sinorpresa ng kanyang asawa ng Hello Kitty house makeover

Ai-Ai delas Alas, sinorpresa ng kanyang asawa ng Hello Kitty house makeover

- Pinasalamatan ni Ai-Ai delas Alas ang asawang si Gerald Sibayan sa naging sorpresa nito para sa kanya

- Isang Hello Kitty makeover para sa bahay nila ang regalo niya para sa ika-pitong taon nilang dalawa bilang magkarelasyon

- Ibinahagi din ni Ai-Ai ang litrato ng bahagi ng kanilang bahay na tadtad ng kinagigiliwan niyang Hello Kitty

- Hindi maitago ni Ai-Ai ang kanyang kasiyahan sa ginawa ni Gerald para mapasaya lang siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang ibahagi ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang pasasalamat sa kanyang asawang si Gerald Sibayan sa ginawa nito para lang mapasaya siya.

Isang sorpresa ang inihanda nito para sa kanilang ika-pitong taon bilang magkarelasyon kaya tuwang-tuwa ang komedyante.

Ai-Ai delas Alas, sinorpresa ng kanyang asawa ng Hello Kitty house makeover
Photo from Ai-Ai delas Alas (@msaiaidelasalas)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Ai-Ai ang kanyang pasasalamat sa sorpresa ng asawa na pag-makeover ng kanilang bahay. Tadtad ng Hello Kitty ang iba;t-ibang bahagi ng kanilang bahay maging ang kanilang higaan.

Maraming salamat sa aking mahal na asawa sa kanyang advance gift sa aming ika 7th year anniversary bilang mag jows .. salamat darl alam mo kung saan ako super magiging masaya ... i love you dearly thank you for making me happy

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Bumuhos naman ang pagbati sa mag-asawa at marami sa mga kaibigan ni Ai-Ai ang masaya para sa kanya dahil maswerte umano ito sa kanyang asawa.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan ay isang performer, comedienne at film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit.

Read also

Sam Pinto, ipinasilip ang bagong condo nila ni Anthony Semerad

Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, hindi pinalampas ng anak ni Ai-Ai ang pangmamaliit ng isang basher sa kursong kanyang tinapos.

Ito ay matapos ibahagi ni Ai-Ai kung gaano siya ka proud sa anak niya na nagtapos kamakailan ng kolehiyo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel