Ai-Ai Delas Alas at Gerald Sibayan, pinagdiwang ang kanilang 4th wedding anniversary

Ai-Ai Delas Alas at Gerald Sibayan, pinagdiwang ang kanilang 4th wedding anniversary

- Sa kanilang pagdiriwang ng ika-apat na taon bilang mag-asawa, isang pagbati ang ibinahagi ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas

- Binalikan niya ang masasayang sandali nang ikinasal sila ng kanyang nister na si Gerald Sibayan noong December 12, 2017

- Kalakip ng ibinahaging wedding photos, hiling niya ang marami pang taong pagsasama nilang mag-asawa

- Kasalukuyang nasa Amerika ang mag-asawa para pagtuunan ang kanilang buhay may asawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napa-balik tanaw si Ai-Ai Delas Alas sa masasayang sandali nang ikinasal sila ng kanyang nister na si Gerald Sibayan noong December 12, 2017. Ito ay sa kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-apat na taon bilang mag-asawa.

Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan, pinagdiwang ang kanilang 4th wedding anniversary
hoto from Ai-Ai delas Alas (@msaiaidelasalas)
Source: Instagram

Kalakip ng ibinahaging wedding photos, hiling niya ang marami pang taong pagsasama nilang mag-asawa.

"Happy 4th wedding anniversary, my darl. Parang kailan lang ang bilis ng panahon apat na taon na tayong kasal. Nawa'y marami pang taon ang ating pagsasamahan sa tulong ng Diyos at ng mahal na inang Maria."

Read also

Alwyn Uytingco, masayang ibinahagi ang pictures kasama ang kanyang mag-iina

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyan, nasa Amerika sina Ai-Ai at Gerald para pagtuunan ang kanilang buhay may asawa. Plano rin nilang dalawa na magkaroon ng anak via surrogacy.

Matatandaang kamakailan lang nang isapubliko ni Ai-Ai ang tungkol sa kanilang pagpunta sa Amerika.

“Parang para sa amin ang caption …. yes NORTH VIRGINIA HERE WE COME .. OUR JOURNEY BEGINS HERE .. thank you dear LORD and mother MARY .. we landed safely .. love you my darling this is it start na ng buhay naten together @gerald_sibayan,."

Ginamit din niya ang mga hashtags na “#simplewifey,” “#takingcareofmyhusband,” “#excited,” at “#payapangpamumuhay.”

Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang performer, comedienne at isa din siyang film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit.

Read also

Angeline Quinto, limang buwan nang buntis ayon kay Ogie Diaz

Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, hindi pinalampas ng anak ni Ai-Ai ang pangmamaliit ng isang basher sa kursong kanyang tinapos.

Ito ay matapos ibahagi ni Ai-Ai kung gaano siya ka proud sa anak niya na nagtapos kamakailan ng kolehiyo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel