Ivana, sinurpresa ang lolang naipit at nahilo sa kanyang palengke challenge

Ivana, sinurpresa ang lolang naipit at nahilo sa kanyang palengke challenge

- Sinurpresa ni Ivana Alawi ang lola na nahilo at naipit sa kanyang palengke challenge

- Napilitan din siyang itigil ang naturang challenge dahil sa biglaang pagdagsa ng mga tao

- Maging ang ina na may sanggol ay siniguro ni Ivana na hindi masaktan sa hindi inaasahang pangyayari

- Matatandaang nakilala rin si Ivana sa mga vlogs niya na pawang pagtulong sa kapwa ang kanyang ipinakikita

Binisita ni Ivana Alawi ang 72-anyos na lola na naipit at nahilo nang gawin niya ang palengke challenge sa isang meat shop sa Pasig.

Ivana, sinurpresa ang lolang naipit at nahilo sa kanyang palengke challenge
Ivana, sinurpresa ang lolang naipit at nahilo sa kanyang palengke challenge (Ivana Alawi)
Source: Youtube

Sa kanyang bagong vlog, makikitang mayroon namang mga security at bantay bayan ang nasa lugar subalit nang marami na ang nakaalam na naroon si Ivana, hindi na nila napigilan ang dagsa ng tao.

Dahil dito, isa na ang lola na kalauna'y nakilala nilang si Patricia Miranda ang naipit sa natuang palengke challeng ni Ivana.

Read also

Priscilla Meirelles, makikipagmeeting na raw sa kanyang abogado

Kwento ni Lola Patricia, sinabi ng anak niya na nasa palengke nila si Ivana at namimigay umano ng karneng baboy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi naman nagdalawang-isip na pumunta si Lola Patricia na nakilimot din umanong uminom ng kanyang gamot.

Makikita sa video na mismong si Ivana ang nakakita kay Lola Patricia at kinuha siya maraming tao upang makahinga ng maayos.

Maging ang isang ina na may dalang sanggol ay kinuha rin ni Ivana upang masigurong hindi masaktan ang baby sa dami ng tao roon

Samantala, nang bumalik si Ivana sa tahanan ni Lola Patricia, napag-alaman nilang mahirap umano ang kalagayan nito.

Karamihan kasi sa kanyang siyam na mga anak ay walang trabaho kaya naman hirap silang maitawid ang araw-araw.

Bukod sa mga maaring maging paninda ni Lola Patricia, binigyan din siya ni Ivana ng Php72,000 na ibabayad naman daw ng lola sa kanilang lupa.

Read also

Ray Parks, hinangaan sa ginawa nang 'magselos' si Zeinab sa prank sa kanya

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ivana:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.9 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Sa isa sa pinakabagong vlog ni Ivana, nakatulong din siya sa marami dahil sa mga bumibili sa kanya sa pagkukunwaring isang sampaguita vendor, pinapalitan niya ng x1000 ang ibinabayad sa kanya para sa sampaguita. Bukod dito, ang lahat umano ng kikitain ng naturang video ay ihahandog niyang donasyon sa Antipolo church.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica