Batang 8-anyos, nasaktan matapos batuhin ng rider sa Antipolo

Batang 8-anyos, nasaktan matapos batuhin ng rider sa Antipolo

  • Isang 8-anyos na batang babae ang nasaktan matapos umanong masangkot sa isang insidente sa kalsada sa Antipolo City na nagsimula umano sa pagtatalo ng kaniyang ina at isang motorcycle rider
  • Ayon sa pulisya, sinundan umano ng rider at ng kaniyang angkas ang mag-ina sakay ng bajaj matapos ang kanilang pagtatalo, habang may naitalang video na kumalat online
  • Nagsampa na ng reklamo sa pulisya ang ina at anak, habang patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang dalawang taong sakay ng motorsiklo na umano’y sangkot sa insidente
  • Samantala, naglabas din ang Land Transportation Office ng show-cause order laban sa rider, habang preventively suspended ang kaniyang lisensya at naka-alarm ang motorsiklong gamit sa insidente

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang 8-anyos na batang babae ang nasaktan matapos umanong masangkot sa isang insidente na nagsimula sa pagtatalo ng kaniyang ina at isang motorcycle rider sa Antipolo City.

Batang 8-anyos, nasaktan matapos batuhin ng rider sa Antipolo
Batang 8-anyos, nasaktan matapos batuhin ng rider sa Antipolo (Image for illustrative purposes only. Generated by AI)
Source: UGC

Ayon sa Antipolo City Police, nangyari ang insidente bandang alas-5 ng hapon noong Setyembre 21, 2026. Kumalat online ang ilang video na nagpapakita sa mag-ina habang sakay ng isang bajaj, o isang uri ng three-wheeled utility vehicle na kahalintulad ng tricycle.

Read also

Ina ni Rene Baterbonia, dinepensahan ang sarili sa kumakalat na TF issue

Sa isa sa mga video, maririnig ang babaeng nagre-record habang sinasabi ang, “Ayan oh sinusundan pa kami, sumusunod sa amin.”

Makikita rin umano sa video ang isang lalaki at babae na sakay ng motorsiklo na sumusunod sa kanilang sinasakyang sasakyan. Ayon sa ulat, hawak ng rider ang cellphone habang nagmamaneho.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinabi ni Antipolo City Police Investigation Section Chief P/Lt. Ken Ada-ol na nagsimula ang pagtatalo nang hindi agad makasakay ang mag-ina dahil nakaharang umano sa kanilang daraanan ang motorsiklo.

Ayon sa opisyal, sinabi ng bata na kailangan nilang makadaan, ngunit hindi umano naging maganda ang naging sagot ng rider.

“Sinabi naman ng bata na papasok po ako paki ano po. Pero pangit yung pagkakasabi nung rider ng “hindi ako makaurong eh,” ani Ada-ol.

Para makasakay ang mag-ina, sinabi ng pulisya na umabante ang driver ng bajaj. Doon umano nagsimula ang pagtatalo matapos tawagin ng ina na bastos ang rider.

Nabastusan siguro yung mother sinabihan na bastos yung rider then dun po nag-umpisa yung heated argument, dagdag ni Ada-ol.

Read also

Rosmar Tan, proud sa asawa matapos itong sumailalim sa vasectomy

Kalaunan ay umalis ang bajaj, ngunit ayon sa pulisya, sinundan umano sila ng rider at ng kaniyang angkas. Ayon kay Ada-ol, sinabi umano ng mga ito na hindi sila bastos dahil mayroon din silang mga anak.

“And then sinabing di kami bastos, may anak din po kami. Biglang may hard object o semento, naibato po dun sa tricycle at natamaan po yung bata,” ani Ada-ol.

Dahil sa insidente, nagtamo ng pinsala sa ulo ang 8-anyos at dinala sa ospital para malapatan ng kinakailangang lunas.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad matapos matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang taong sakay ng motorsiklo.

Nakipagtulungan ang mga tauhan ng Barangay Dalig Uno sa pulisya upang hanapin ang mga ito. Gayunman, hindi na umano matagpuan ang mga suspek nang puntahan ng mga awtoridad ang kanilang tirahan.

Sinabi ni Barangay Dalig councilor John Ashley Valle na patuloy nilang tinitingnan ang impormasyon tungkol sa mga taong sangkot sa insidente.

Read also

Misis sa Dasmariñas, nasawi matapos komprontahin ng kapitbahay dahil sa tsismis

“Unfortunately, the suspects were no longer at their residence. As of now, we are checking if they have prior records here in the barangay,” ani Valle.

Samantala, bumalik sa police station ang ina at ang kaniyang anak upang pormal na magsampa ng reklamo kaugnay ng insidente.

Ayon sa mga awtoridad, maaaring maharap sa kasong physical injuries sa ilalim ng Republic Act 7610, o Special Protection of Children Against Ab*se, Exploitation and Discrimination Act, ang mga sangkot depende sa magiging resulta ng imbestigasyon.

Bukod sa police investigation, kumilos din ang Land Transportation Office o LTO kaugnay ng rider. Naglabas ang ahensya ng show-cause order na nag-uutos sa rider na humarap sa Setyembre 29 kaugnay ng ilang posibleng paglabag sa batas-trapiko.

Kabilang dito ang umano’y hindi pagsusuot ng protective helmet. Preventively suspended din ang driver's license ng rider at inilagay sa alarm status ang motorsiklong ginamit sa insidente.

Patuloy naman ang paghahanap ng mga awtoridad sa rider at angkas habang isinasagawa ang imbestigasyon sa reklamo ng pamilya.

Ang insidente sa Antipolo ay kasunod ng iba pang mga usaping kinasasangkutan ng mga motorista at mga alitan sa kalsada. Noong Mayo 2026, iniulat ng KAMI ang desisyon ng Pasig City Prosecutor’s Office kaugnay ng isang viral road rage incident na kinasangkutan ng isang pulis.

Read also

Bryan Pamonag, kinilala bilang “real-life hero” sa Banga shooting

May isa pang kaugnay na ulat ang KAMI tungkol sa isang motorcycle rider na umano’y nasangkot sa road rage incident sa Sampaloc, Manila. Noong Hunyo 2026, iniulat na hinahanap ng LTO ang rider at naghahanda itong maglabas ng show-cause order kaugnay ng insidente.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate