Ivana Alawi, kumita ng milyon-milyon sa loob ng anim na oras sa live selling: "eight digits!"

Ivana Alawi, kumita ng milyon-milyon sa loob ng anim na oras sa live selling: "eight digits!"

- Naikwento ni Ivana Alawi na sa loob lamang ng anim na oras ay kumita na siya ng eight digits o nasa 10 million pesos

- Ito ay dahil sa pagla-live selling niya sa loob ng anim na oras

- Tinagurian din siyang TikTok Shop celebrity of the year

- Sa kabila ng kanyang matagumpay na negosyo, patuloy pa rin siyang napapanood sa FPJ Batang Quiapo at sa kanyang YouTube channel

Nakamamanghang naikwento ni Ivana na tumataginting na mahigit 10 million pesos ang kanyang kinita sa pagla-live selling niya sa TikTok.

Ivana Alawi, kumita ng milyon-milyon sa loob ng anim na oras sa live selling: "eight digits!"
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Sa ulat ng News 5 Everywhere, naibahagi ang pahayag ni Ivana kung paano ito nangyari.

"Nag-live ako from 6pm naatapos ako 12 am. 'Yun yung kumita ng 8 digits," ani Ivana.

Dahil dito, hindi kataka-takang ginawaran siya bilang TikTok Shop celebrity of the year. Sa TikTok shop, mabibili rin ang kanyang mga health ang beauty products tulad ng Ivana Skin at AI Beauty. Marami ang patuloy na tumatangkilik sa kalidad niyang mga produkto.

Read also

Xia Vigor, ibinida ang pagiging proud Pinay niya sa kanyang 'Piliin Mo Ang Pilipinas' entry

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon pa kay Ivana, sa kabila ng pagiging aktibo niya sa teleseryeng FPJ Batang Quiapo, at sa kanyang YouTube channel, mainam na magkaroon pa rin ng back-up plan at ito ay sa pagnenegosyo.

"Iba yung business, iba yung pag-aartista. 'Pag nag-artista parang mag-iisip ka na 'ay kailangan ko ng back up. So having a business is really important."

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.5 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

Denise Laurel, hindi pa rin tinatantanan ng bashers ni Deniece Cornejo

Sa pinakabagong vlog ni Ivana, nakatulong din siya sa marami dahil sa mga bumibili sa kanya sa pagkukunwaring isang sampaguita vendor, pinapalitan niya ng x1000 ang ibinabayad sa kanya para sa sampaguita.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel