Denise Laurel, hindi pa rin tinatantanan ng bashers ni Deniece Cornejo

Denise Laurel, hindi pa rin tinatantanan ng bashers ni Deniece Cornejo

- Binahagi ni Denise Laurel ang mga komento at mensahe sa kanya na aniya ay wrong send

- Base sa mga komentong ito, inakala nilang si Denise ang babaeng sangkot sa kasong isinampa ni Vhong Navarro

- Aniya, walang live video or post siya na hindi pinapalampas ng mga ito sa pagkomento

- Dagdag pa niya, naging 'good sport' siya mulang 2014 pero 'wrong send' daw ang mga ito mula 2014

Matapos ang mahabang panahon, minabuti ni Denise Laurel na muling linawin sa ilang netizens na hindi siya si Deniece Cornejo. Sa kanyang post ay makikita ang mga komento na para kay Deniece at hindi para sa kanya.

Denise Laurel, hindi pa rin tinatantanan ng bashers ni Deniece Cornejo
Denise Laurel, hindi pa rin tinatantanan ng bashers ni Deniece Cornejo
Source: Instagram

Aniya ay "wrong send." ang mga ito mula pa noong 2014. Ayon sa kanya, maraming netizens ang nagkakamali at inaakala na siya ang babaeng sangkot sa kontrobersiyal na kaso noong 2014 na kinasangkutan ng TV host na si Vhong Navarro.

Read also

Rosmar Tan, inihatid ang mga gamit para sa bahay na binigay kay Diwata

Nabanggit din ni Denise na kahit anong live video o post niya ay hindi pinapalampas ng mga ito sa pagkomento. Dagdag pa niya, mula pa noong 2014, patuloy siyang nagpakita ng pagiging 'good sport' sa mga ganitong sitwasyon, subalit hindi pa rin raw natitigil ang mga komento na nagmumula sa mga bashers.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Denise Laurel ay isang kilalang aktres at mang-aawit sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera sa pag-arte noong 2006 sa pamamagitan ng paglabas sa mga palabas tulad ng "ASAP" at "Your Song." Isang mahalagang bahagi ng kanyang karera ay ang pagiging bahagi ng iba't ibang teleserye ng ABS-CBN.

Matatandaang nag-post si Denise sa Twitter at ipinahayag ang kanyang pagkadismaya sa isang online news site. Tinawag niya itong pag-uulat ng mga bagay na aniya ay hindi galing sa kanyang bibig. Binigyang-diin niya na ang mga salita ay hindi kailanman magmumula sa kanyang bibig, lalo na't may kinalaman sa kanyang pananaw at pananampalataya. Nagkomento rin siya na baka pinanood lang nila siya mula sa isang vlog.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Denise sa Instagram matapos na kanselahin sa huling sandali ang isang collab sana sa isang content creator. Ibinahagi niya ang isang selfie na kitang-kita ang pagkadismaya, na naglalarawan ng pagod na ipinuhunan niya sa paghahanda para dito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel