Xia Vigor, ibinida ang pagiging proud Pinay niya sa kanyang 'Piliin Mo Ang Pilipinas' entry

Xia Vigor, ibinida ang pagiging proud Pinay niya sa kanyang 'Piliin Mo Ang Pilipinas' entry

- Nag-post si Xia Vigor ng kanyang entry sa 'Piliin Mo Ang Pilipinas' trend

- Makikita sa kanyang video na kasama niya ang Torch Family, pamilya na mga American at nakilala online dahil sa kanilang pagkanta

- Makikita sa video na tinuturo ni Xia ang ilan sa mga kultura ng Pinoy kagaya ng Tinikling at Luksong Tinik

- Makikita din na ang magkakapatid mismo ay nag-lip sync sa awiting 'Piliin Mo Ang Pilipinas'

Ibinida ni Xia Vigor 'Piliin Mo Ang Pilipinas' entry. Sa kanyang entry, hindi lamang siya ang bida, kundi ang American family na Torch Family.

Xia Vigor, ibinida ang pagiging proud Pinay niya sa kanyang 'Piliin Mo Ang Pilipinas' entry
Xia Vigor, ibinida ang pagiging proud Pinay niya sa kanyang 'Piliin Mo Ang Pilipinas' entry
Source: Instagram

Sa nakakaaliw at nakakainspire na entry ni Xia, makikita ang kanyang pagpapakita ng pagiging proud Pinay. Kasama niya sa video ang pamilya na kilala sa social media bilang ang "Torch Family," isang pamilya ng mga Amerikano na nakilala online dahil sa kanilang talento sa pag-awit.

Read also

Denise Laurel, hindi pa rin tinatantanan ng bashers ni Deniece Cornejo

Sa nasabing video, hindi lamang nag-lip sync ang grupo sa sikat na awitin na "Piliin Mo Ang Pilipinas," kundi ipinakita rin nila ang ilang tradisyunal na kultura ng Pilipinas. Makikita ang grupo na sumasayaw ng Tinikling, ang popular na tradisyunal na sayaw sa bansa.

Sa kanyang paglahok sa 'Piliin Mo Ang Pilipinas' challenge, hindi lamang naging entertainment ang kanyang entry, kundi isang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan at pagiging proud Pinay. Isa itong paalala na kahit saan mang sulok ng mundo, ang pagiging Pilipino ay hindi dapat kalimutan at dapat ipagmalaki.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Xiamara Sophia Vigor o mas kilala sa kanyang screen name na "Xia" ay isang British-Filipino na child actress. Tinanghal siyang grand finalist ng Mini Me 2 bilang mini Selena Gomez sa It's Showtime. Lalo siyang nakilala sa iba't-ibang panig ng mundo nang mag-viral ang kanyang performance sa Your Face Sounds Familiar kung saan ginaya niya si Taylor Swift.

Read also

Rosmar Tan, inihatid ang mga gamit para sa bahay na binigay kay Diwata

Marami ang naaliw at bumilib sa batang si Xia dahil sa pinapakita nito pagiging halimbawa sa kapwa niya kabataan. Sa kanyang Instagram ay palagi niyang ibinabahagi ang ilang mahahalagang aral kabilang na ang pangangalaga sa kalikasan. Sa kabila ng kanyang kasikatan ay walang kaarte-arteng nagtanim si Xia ng bawang at sibuyas. Hindi niya inalintana ang putik, huwag niya lang mapalampas ang pagkakataon na matutong magtanim.

Matatandaang sina Sophia Reola at Xia ay nagbahagi ng kanilang madamdaming mensahe sa pagpanaw ng kapwa nila dating child star na si JM Canlas. Binahagi pa ni Xia ang kanilang naging pag-uusap ni JM kung saan makikita ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan. Ibinahagi niya rin ang picture nilang magkasama noong sila ay mas bata pa. Para naman kay Sophia, hindi niya inakalang gagamitin niya ang picture niya kasama si JM bilang pamamaalam.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel