Rosmar sa pagsama kay Rendon sa Team Malakas: "Nakikita ko kasi 'yung kabutihan ni Kuya Rendon"
- Dinipensahan ni Rosmar Tan si Rendon Labador sa pagsasama nila sa Team Malakas
- Ito ay sa kabila ng minsang pagpuna ni Rendon ukol sa Php13 million na kita sa isang araw ni Rosmar
- Aniya, ang lahat ng mga bagay na ito ay kanila nang napag-usapan
- Nakikita rin daw nila ang kabutihan ni Rendon sa kabila ng mga isyung nakakakabit na sa pangalan nito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naging emosyonal si Rosmar Tan- Pamulaklakin nang mailahad na niya ang tungkol sa pagsasanib pwersa nila ni Rendon Labador.
Matatandaang, ginulantang na lang nila ang publiko nang kanilang buuin ang Team Malakas.
Sa kabila ng naging kontrobersya nila na kalauna'y naging dahilan ng pagiging persona non grata nila sa Palawan, nagawa pa ring depensahan ni Rosmar si Rendon.
"Nakikita ko kasi yung kabutihan ni Kuya Rendon. Nakikita naming mag-asawa, nakikita ng mga tropa namin. Kaya iiiniisip ko na parang kawawa kung aalisan parang ganun," ani Rosmar.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Alam naming mabuting tao," giit pa niya. Ito ay matapos na minsang punahin ni Rendon ang naging pahayag ni Rosmar tungkol sa kita niya kada araw na umaabot ng Php13 million.
Sa una nila umanong pagkikita, unang nilapitan ni Rendon ang asawa ni Rosmar na si Jerome at doon humingi rin ng patawad sa kanyang nasabi.
Kaya naman ngayon, pinili nilang mag-collab upang gumawa ng kabutihan gaya ng pagtulong sa kapwa.
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa panayam sa kanila ni Ogie Diaz:
Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na noong kasagsagan ng pandemya.
Matatandaang nag-viral si Rosmar dahil sa kanyang ipon challenge noong 2017. Na sinundan naman ng kanya noong kakaibang restaurant kung saan super enjoy ang kanyang mga naging customers dahil tila nasa loob sila ng pet cage sa naturang kainan.
Isa na siya sa mga kilalang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters.
Kamakailan, naging usap-usapan muli si Rosmar matapos nitong bigyan ng blessings ang social media personality na si Diwata. Sinasabing nasa milyon-milyon ang halaga ng lahat ng naibahagi ni Rosmar kay Diwata. At sa kabila umano ng mga kontrobersiyang kanilang kinakaharap, patuloy pa rin siyang tumutulong sa mga nangangailangan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh