Rosmar, sa ilang nanghihingi ng tulong: "nagnenegosyo po kami hindi nagcha-charity"

Rosmar, sa ilang nanghihingi ng tulong: "nagnenegosyo po kami hindi nagcha-charity"

- May pakiusap si Rosmar Tan sa ibang mga humihingi ng tulong sa kanya

- Lalo na iyong nagpupunta pa sa RMansion kung nasaan ang kanyang Pares Overload

- Aniya, nagbabanta pa umano ang ibang mga humihingi ng tulong kung hindi sila napagbibigyan

- Ayon pa kay rosmar, nagnenegosyo umano siya at hindi palaging charity ang kanilang ginagawa.

Naglabas ng saloobin si Rosmar Tan patungkol sa humihingi ng tulong sa kanya.

Rosmar, sa ilang nanghihingi ng tulong: "nagnenegosyo po kami hindi nagcha-charity"
Rosmar, sa ilang nanghihingi ng tulong: "nagnenegosyo po kami hindi nagcha-charity"
Source: Facebook

Lalo na iyong mga nagtutungo pa sa RMansion at kapag hindi napagbibigyan, nagbabanta pa umanong pasisikatin sa social media.

"Pakiusap lang sa mga humihingi ng tulong wag po kayo basta basta susugod sa mga resto ko at mananakot na pasisikatin dahil di kayo naaasikaso ng mga staff ko, nagnenegosyo po tayo hindi nagchacharity busy po sila," ang laman ng kanyang unang nai-post.
"Nagnenegosyo po ako 'di po ako nagtayo ng resto para gawing PCSO. Kaunting respeto naman po. Tumutulong tayo pero 'wag abusado. Di rin naman ako politiko, negosyante po tayo," dagdag pa ni Rosmar.

Read also

Majo aka You Do Note Girl, umalma sa mga body shamers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang kamakailan, naging instant milyonaryo si Diwata nang handugan siya ng mga biyaya ni Rosmar. Mula sa pera, pangkabuhayan at maging bahay ay ibinigay ni Rosmar sa kanya. Aniya, masarap daw tulungan ang tulad ni Diwata na hindi umano abusado.

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang nag-viral si Rosmar dahil sa kanyang ipon challenge noong 2017. Na sinundan naman ng kanya noong kakaibang restaurant kung saan super enjoy ang kanyang mga customers dahil tila nasa loob sila ng pet cage.

Isa na siyang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters. Naglabas pa ng single si Rosmar kung saan kasama pa niya ang kanyang mister na si Nathan. Naging kontrobersyal ang naturang kantang "Manalamin" dahil sa lyrics nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel