Diwata, nag-ikot para mamigay ng biyaya; binalikan ang dating tirahan sa ilalim ng tulay

Diwata, nag-ikot para mamigay ng biyaya; binalikan ang dating tirahan sa ilalim ng tulay

- Nag-ikot si Diwata upang mamahagi muli ng biyaya sa mga taong lansangan

- Bukod sa mga grocery items, namigay din si Diwata ng kanyang pares overload

- Binalikan niya ang ilang mga lugar kung saan nanirahan, maging ang dating pwesto ng kanyang naging paresan

- Matatandaan kamakailan ay nagbukas na ang Quezon City branch ng kanyang Diwata Pare Overload at iba pa

Muli na namang namahagi si Diwata ng biyaya sa mga taong nadadaanan sa kalsada.

Diwata, nag-ikot para mamigay ng biyaya; binalikan ang dating tirahan sa ilalim ng tula
Diwata, nag-ikot para mamigay ng biyaya; binalikan ang dating tirahan sa ilalim ng tulay (diwata pares overload Official account)
Source: Facebook

Siya rin mismo ay kasamang nag-repack ng ilang mga grocery items na kanyang ibabahagi lalo na sa mga homeless people.

Hindi rin nakalimot si Diwata sa mga taong dati niyang nakasalamuha na alam niyang hikahos parin ang buhay sa ngayon.

Katunayan, binalikan niya ang dati niyang tinitirhan sa ilalim ng tulay at doon namigay ng kanyang biyaya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Stell Ajero, sinagot ang tungkol sa naging pahayag ni Raquel Pempengco

Maging ang pwesto ng dati niyang paresan kung saan talaga siya nagsimula ay kanyang binalikan at doon din nag-share ng kanyang munting surpresa.

Aniya, kahit mahirap at mainit ang panahon, sulit naman ito nang makitang marami siyang napapasayang tao.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa pamamahagi ni blessings ni Diwata:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Kamakailan, masayang tinanggap ni Diwata ang Most sensational media personality of the year ng Gawad Dangal Filipino Awards. Ayon kay Diwata, iyon na umano ang ikatlong award na kanyang natanggap sa buwan lamang ng Hunyo.

Bukod sa mga awards na nakamit, hindi rin nagpahuli si Diwata sa mga artistang naki-sagala sa Malabon. Bongga ang sinuot niyang gown at talagang makikinig na panay hiyawan ng kanyang pangalan ang maririnig, sa tuwing dadadaan na si Diwata.

Read also

Lie Reposposa, masayang-masaya na naranasang mag-withdraw ng 1M

Samantala, bahagi pa rin si Diwata ng Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kaya naman masasabing napaka-busy talaga ngayon ni Diwata na nadagdagan pa ang kanyang Pares Overload branch na mayroon na ngayon sa Quezon City. Matatandaang bongga ang naging grand opening nito kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel