Diwata, ibinida ang ikatlong award na natanggap ngayong buwan

Diwata, ibinida ang ikatlong award na natanggap ngayong buwan

- Ibinahagi ni Diwata ang mga kaganapan sa pagtanggap niya ng ikatlong award

- Sa loob lamang ng isang buwan, tatlong pagkilala na ang kanyang natanggap

- Masayang-masaya si Diwata dahil naroon din sa gabi ng parangal ang ilan sa kanyang mga idolo

- Bukod sa kanyang food business, aktibo rin si Diwata sa pagiging isang content creator at aktor sa "Batang Quiapo"

Masayang ibinida ni Diwata ang isa na namang award na kanyang tinanggap noong Hunyo 19.

Diwata, ibinida ang ikatlong award na natanggap ngayong buwan
Diwata (Diwata PARES OVerLoad Updates/ Gawad Dangal Filipino Awards)
Source: Facebook

Ito ay mula sa Gawad Dangal Filipino Awards kung saan kinilala siya umano bilang Most sensational media personality of the year.

Sa kanyang vlog, ipinakita ni Diwata ang pagdalo sa naturang parangal upang personal na tanggapin ang kanyang award.

Ayon pa kay Diwata, ito na ang ikatlong beses na nakatanggap siya ng pagkilala sa loob lamang ng isang buwan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Kim Chiu, napagtripan ng co-hosts sa kanyang linyang "Sino ang bumitaw?"

Matatandaang isa sa mga nagbigay sa kanya ng award ay ang 2024 World Class Excellence Japan Awards sa pagiging social media phenomenon of the year.

Samantala, bukod sa kanyang mga natanggap, masaya si Diwata na makita ang ilan sa mga kilala at iniidolo niyang mga artista na naroon din upang tanggapin ang kani-kanilang tropeyo.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa nasabing pagtitipon mula sa Diwata Pares Overload Official Account YT:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Sa isang post ni Rosmar Tan, todo puri niya si Diwata na masarap umanong tulungan dahil hindi raw ito abusado. Matatandaang ang CEO na si Rosmar ang sinasabing may pinakamalaking naibahaging biyaya kay Diwata na umabot ng milyon-milyon ang halaga.

Read also

Ryzza Mae Dizon, sinorpresa ng Dabarkads sa kanyang ika-19 na kaarawan

Hindi naman nalalayo ang naging komento ng respetadong aktor at direktor na si Coco Martin na hanga umano kay Diwata na aniya'y masarap tulungan dahil sa pagiging likas din nitong kabaitan. Sa isang interview sa kanya ng ABS-CBN, naikwento ni Coco kung paano niya nakuha si Diwata upang maging bahagi ng FPJ Batang Quiapo. Bagama't kabado sa umpisa, kinakitaan niya ito ng dedikasyon at determinasyon dahilan para maging regular na umano ito sa naturang serye na tulad ng pares ni Diwata ay pinakaaabangan din ng marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: