Heart Evangelista, binahagi ang pinagdaanang hirap bago naimbita sa fashion week

Heart Evangelista, binahagi ang pinagdaanang hirap bago naimbita sa fashion week

- Nagbahagi si Heart Evangelista ng kanyang pinagdaanang pagsubok at tagumpay sa pagpasok sa fashion week

- Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Heart ang kanyang passion sa fashion at karanasang pumunta sa mga events bilang ordinaryong indibidwal

- Inamin niya ang kanyang pagtahak sa mahirap na daan patungo sa tagumpay sa fashion industry

- Binahagi ni Heart ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tapat na relasyon sa mga international brands

Hindi naging madali para kay Heart Evangelista na makapasok at makilala sa fashion week sa iba't ibang panig ng mundo. Bago siya nakilala bilang isang fashion icon, nagsimula siya bilang isang ordinaryong tao na dumadalo sa mga fashion events sa Europe.

Heart Evangelista, binahagi ang pinagdaanang hirap bago naimbita sa fashion week
Heart Evangelista, binahagi ang pinagdaanang hirap bago naimbita sa fashion week
Source: Youtube

Sa kanyang pinakabagong vlog na pinamagatang "Back in Milan: Fashion Week, Reels, Drama, and more," ibinahagi ni Heart ang kanyang karanasan.

Inamin niya na dati siyang pumupunta sa mga fashion events "out of passion and love for fashion and creativity." "I entered fashion week, and it wasn’t a job. It was passion," sabi ni Heart, na nagsimula bilang miyembro ng press sa mga runway shows.

Read also

Francine Diaz, nagtapos sa Senior High School sa kabila ng pagtatrabaho

"I really went through the hard route. Fashion week, for me, is a passion. Basically, I feel guilty for taking the seat that was allotted for somebody else like the press," ani Heart.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Habang tumatagal, nakabuo siya ng magandang relasyon sa iba't ibang international brands, na nagbigay-daan upang mas makilala siya sa fashion industry.

Ngayon, kinikilala na siya bilang isang "key opinion leader" o influencer sa fashion world. "I truly want (the brands) to know who I am, and I don’t want to take anybody’s seat. This is the golden rule," pahayag ni Heart. Dagdag pa niya, "I don’t mind being second or third (choice), as long as I’m invited as myself and I have a good relationship with the brand."

Kamakailan, lumabas ang balita na sinabotahe umano ng isang grupo ang mga content ni Heart para sa Paris Fashion Week. Ang kanyang tugon dito ay simple at kalmado, "Hayaan na."

Read also

Donnalyn Bartolome, naghayag ng mensahe para kina Cong at Viy

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel