Lie Reposposa, binahagi ang video ng kanyang pagsorpresa sa kanyang mama

Lie Reposposa, binahagi ang video ng kanyang pagsorpresa sa kanyang mama

- Ibinahagi ni Lie Reposposa ang video ng kanyang pagsorpresa sa kanyang mama na kamakailan ay nakatampuhan niya

- Sa kanyang binahaging video ay sinabi ni Lie na nanalo siya sa isang online game na kanyang nilalaro kaya ibibigay niya sa kanyang ina ang sampong libong piso

- Makikita naman ang saya sa mukha ng kanyang mga magulang sa binigay niyang pera

- Matatandaang naibahagi din ni Lie kamakailan na nagkaayos na sila ng mama niya pagkatpos nilang magkatampuhan

Ibinahagi ni Lie Reposposa ang isang na video sa kanyang social media account kung saan makikita ang kanyang pagsorpresa sa kanyang mama. Matatandaang kamakailan lamang ay kanyang nakatampuhan ang ina.

Lie Reposposa, binahagi ang video ng kanyang pagsorpresa sa kanyang mama
Lie Reposposa, binahagi ang video ng kanyang pagsorpresa sa kanyang mama
Source: Facebook

Sa nasabing video, ipinahayag ni Lie na nanalo siya sa isang online game na matagal na niyang nilalaro. Bilang bahagi ng kanyang premyo, nagdesisyon siyang ibigay sa kanyang ina ang sampung libong piso bilang isang sorpresa.

Read also

Ryzza Mae Dizon, naiyak sa surprise cotillion na inihanda para sa kanya

Sa video, makikita ang labis na kasiyahan at tuwa sa mukha ng kanyang mga magulang habang tinatanggap ang perang ibinigay ni Lie. Ang naturang sorpresa ay hindi lamang nagbigay ng kasiyahan kundi pati na rin ng mas matibay na relasyon sa pagitan nila bilang mag-ina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang naibahagi din ni Lie sa kanyang mga tagahanga kamakailan na nagkaayos na sila ng kanyang mama matapos ang kanilang tampuhan.

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Nabahala si Lie sa labis na paglalagas ng kanyang buhok at humingi ng payo mula sa netizens . Ibinahagi ni Lie na kita na ang kanyang anit at pinag-iisipan na niyang magpakalbo dahil sa sitwasyon. Hindi na raw niya alam kung normal pa ang dami ng buhok na nalalagas tuwing siya ay magsuklay. Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nagpahayag si Lie na patuloy siyang lumalaban sa gitna ng kanyang pagkakasakit.

Read also

Crissa Liaging, may panibagong post: "Nakakagigil, sarap sabihin yung totoo"

Ipinakita ni Lie ang larawan na ini-upload ng isang basher mula sa ibang bansa na may edited na mukha. Nakasaad sa caption ng post ang malisyosong mensahe na kapag isinalin sa English ay, “How are you going to ruin genetics like that, so fat." Sinabi ni Angelie na edited ang kanyang mukha sa larawan at hindi ito tunay. Nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang insidenteng ito at nagpahayag si Angelie ng kanyang pagkadismaya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate