Crissa Liaging, may panibagong post: "Nakakagigil, sarap sabihin yung totoo"

Crissa Liaging, may panibagong post: "Nakakagigil, sarap sabihin yung totoo"

- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang panibagong post ni Crissa Liaging

- Si Crissa ang babaeng nabahagi kamakailan ng video kung saan kausap niya si Philmar Alipayo

- Matatandaang inamin niyang mali ang kanyang ginawa na nag-upload ng video at nilagyan pa ng background music

- Sa kanyang post ay wbinahagi niya ang video na may nakalagay na mga salitang "Nakakagigil, sarap sabihin yung totoo"

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang panibagong post ni Crissa Liaging, kung saan ipinahayag niya ang kanyang damdamin sa mga salitang "Nakakagigil, sarap sabihin yung totoo."

Crissa Liaging, may panibagong post: "Nakakagigil, sarap sabihin yung totoo"
Crissa Liaging, may panibagong post: "Nakakagigil, sarap sabihin yung totoo"
Source: Facebook

Si Crissa ang babaeng naging usap-usapan kamakailan matapos magbahagi ng video na kausap niya si Philmar Alipayo, isang kilalang surfer sa Siargao at partner ni Andi Eiegenmann.

Matatandaang inamin ni Crissa na mali ang kanyang ginawa nang mag-upload siya ng nasabing video at nilagyan pa ito ng background music, na nagdulot ng kontrobersiya.

Read also

Albie Casiño kay Nikko Natividad: "Saludo ako sa'yo brother"

Sa kanyang bagong post, muling nagbahagi si Crissa ng video na may nakalagay na mga salitang "Nakakagigil, sarap sabihin yung totoo," na tila nagpapahiwatig ng kanyang saloobin at karagdagang impormasyon na nais iparating sa publiko.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Crissa Liaging ay content creator at isang CEO ng sabon na Habibi Babad soap. Matatandaang lumikha ng ingay si Crissa kamakailan dahil sa kanyang upload na video kung saan kausap niya si Philmar Alipayo. Binura din niya ang naturang video kinalaunan.

Minabuti ni Crissa na magsalita upang magpaliwanag kaugnay sa viral na video ng pag-uusap nila ni Philmar. Pinabulaanan niya ang espikulasyon ng netizens base sa video na kanyang na-post na aniya ay mali niya dahil dapat daw ay di niya na iyon nilabas. Aniya, hindi lang kita sa video pero maraming tao ang naroroon din na magpa-picture daw sa kanya at kay Philmar. Kaya aniya, walang flirting na nangyari lalo at nasa pampublikong lugar naman sila at ang dapat daw na ginawa niya ay dumistansiya sana kay Philmar. Alam daw niyang pamilyadong tao si Philmar kaya hindi daw niya gagawin ang inaakusa sa kanya ng ilang netizens.

Read also

Kim Chiu, ibinida ang kanyang #DubaiSkydive adventure

Naglabas ng saloobin si Crissa sa bashing na natatanggap niya kaugnay sa video na binahagi niya. Aniya, nag-sorry na siya sa kanila kaugnay dito kaya hindi na siya nag-public apology. Dagdag pa niya, tila ba napakalaking kasalanan ang nagawa niya gayong nagkausap na raw sila. Alam din daw ni Philmar kung sino talaga ang gusto niya at hindi naman si Philmar.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate