Crissa Liaging, pinabulaanan ang mga espikulasyon tungkol sa kanila ni Philmar Alipayo

Crissa Liaging, pinabulaanan ang mga espikulasyon tungkol sa kanila ni Philmar Alipayo

- Minabuti ni Crissa Liaging na magsalita upang magpaliwanag kaugnay sa viral na video ng pag-uusap nila ni Philmar Alipayo

- Pinabulaanan niya ang espikulasyon ng netizens base sa video na kanyang na-post na aniya ay mali niya dahil dapat daw ay di niya na iyon nilabas

- Aniya, hindi lang kita sa video pero maraming tao ang naroroon din na magpa-picture daw sa kanya at kay Philmar

- Kaya aniya, walang flirting na nangyari lalo at nasa pampublikong lugar naman sila at ang dapat daw na ginawa niya ay dumistansiya sana kay Philmar

- Alam daw niyang pamilyadong tao si Philmar kaya hindi daw niya gagawin ang inaakusa sa kanya ng ilang netizens

Minabuti ni Crissa Liaging na magsalita upang magpaliwanag kaugnay sa viral na video ng pag-uusap nila ni Philmar Alipayo. Pinabulaanan niya ang espikulasyon ng netizens batay sa video na kanyang na-post, na aniya ay mali niyang hakbang dahil dapat daw ay hindi niya iyon inilabas.

Read also

Andrea Brillantes nagbahagi ng payo sa kanyang mga kaedad: "Be single"

Crissa Liaging, pinabulaanan ang mga espikulasyon tungkol sa kanila ni Philmar Alipayo
Crissa Liaging, pinabulaanan ang mga espikulasyon tungkol sa kanila ni Philmar Alipayo
Source: Instagram

Ayon kay Crissa, maraming tao ang naroroon din sa lugar na iyon na nagpa-picture sa kanya at kay Philmar, na hindi lamang kita sa video. Kaya aniya, walang flirting na naganap, lalo na't nasa pampublikong lugar sila. Dapat daw ay dumistansiya na lamang siya kay Philmar upang maiwasan ang maling interpretasyon.

Idinagdag pa ni Crissa na alam niyang pamilyadong tao si Philmar kaya hindi niya gagawin ang inaakusa sa kanya ng ilang netizens. Na-overwhelm lang daw siya nang malamang kilala siya ni Philmar. Wala naman daw silang ibang napag-usapan ni Philmar kundi tungkol sa isa sa mga kasama ni Philmar na surfer.

Nagkasabay lamang daw sila sa bar at nag-bonding kasama ang iba pang surfers. Aniya wala siyang masamang ginawa at sadyang friendly lang siya, gayundin si Philmar na mabait at palakaibigan kagaya ng ibang mga locals sa Siargao.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Luis Manzano, aliw na aliw sa interview niya sa content creators na sina Alvin at Rochelle

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa bagong video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Samantala, ayon kay Gabby Eigenmann, nasa plano daw na dadalhin sa Siargao ang abo ni Jaclyn Jose pero hindi pa daw ito kumpirmado. Nabanggit daw ni Andi na 'Uwi na tayo Nanay' at aniya ay maraming pwedeng maging ibig sabihin ito. Hindi daw niya makalimutan ang sinabing ito ni Andi na umantig din maging sa mga taong nakarinig niyon. Aniya, ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Tita Jane ay ang pagiging ina nito sa kanyang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel