Luis Manzano, aliw na aliw sa interview niya sa content creators na sina Alvin at Rochelle

Luis Manzano, aliw na aliw sa interview niya sa content creators na sina Alvin at Rochelle

- Tuwang-tuwa si Luis Manzano sa kanyang naging interview sa magkasintahang sina Alvin at Rochelle

- Matatandaang nag-viral sila dahil sa mga nakakakilig at nakakaaliw nilang content sa kasagsagan noon ng pandemya

- Katunayan, maging si Luis ay nagagawang i-share ang kanilang mga videos

- Naikwento rin nina Alvin at Rochelle ang hindi nila inaasahang tagumpay na tinatamasa nila ngayon

Kitang-kita na sobrang naaliw si Luis Manzano sa interview niya sa content creators na sina Alvin at Rochelle.

Luis Manzano, aliw na aliw sa interview niya sa content creators na sina Alvin at Rochelle
Luis Manzano, Alvin at Rochelle (Luis Listens/ Luis Manzano Youtube)
Source: Youtube

Sa kanyang vlog, walang humpay na tawanan ang nangyari dahil na rin sa pagiging likas na masayahin nila.

Umpisa pa lang, tuwang-tuwa na si Luis kay Alvin na tila inuulit lamang ang sinasabi ni Rochelle. Iyon pala, aminadong hanggang ngayon ay kabado siya tuwing sila ay nahaharap sa mga panayam tulad nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Andrea Brillantes nagbahagi ng payo sa kanyang mga kaedad: "Be single"

Gayunpaman, masaya rin nilang naikwento ang kanilang humble beginnings sa loob ng 13 taon nilang pagsasama.

Kaya naman hindi kataka-takang maging si Luis ay nagagawang ibahagi ang mga nakaaliw na video nina Alvin at Rochelle dahil bukod sa kasiyahan ang kanilang hatid, tunay na nakaka-inspire din ang kwento ng kanilang pag-iibigan.

Nilubos na rin nila ang pagkakataong iyon para mapasalamatan nila si Luis na naging daan din para mas lalong dumami ang tumangkilik sa kanila dahil na rin sa pagsi-share nito ng kanilang mga video.

Sa ngayon, bukod sa bahay na handog sa kanila ni Ogie Diaz, naikwento nina Rochelle at Alvin na mayroon na muli silang isa pang bahay at magkakaroon na rin umano ng sariling sasakyan.

Narito ang kabuuan ng naturang interview mula sa Luis Manzano YouTube channel:

Sina "Jowa Alvin" at "Rochelle Vivas" ay kilalang mga content creators sa bansa. Kinagiliwan sila ng marami dahil sa mga nakakatuwa nilang short videos sa buhay nilang mag-dyowa. Ang kapansin-pansin pa sa kanila, pawang mga miyembro sila ng LGBT community subalit kahanga-hanga na 13 taon na silang matatag na nagsasama.

Read also

Angeline at Nonrev, naikwentong birthday gift nila kay Sylvio ang kanilang wedding

Isa sa mga humanga kina Alvin at Rochelle ay si Ogie Diaz na personal pa silang binisita noong 2021. Noo'y akala ng dalawa na biro lamang ang nasabi ni Ogie na ipagagawa raw nito ang kanilang tahanan.

Subalit dahil sa patuloy na panganib na dala noon ng COVID-19 ay hindi agad ito natuloy. Taong 2022 nang masayang ibinahagi nina Rochelle at Alvin na tinupad na ni Ogie ang nasabi niya sa dalawa. Halos hindi sila makapaniwala umano na ipinaayos nga ni Ogie ang kanilang tahanan na inakala nila noong prank lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel