Angeline at Nonrev, naikwentong birthday gift nila kay Sylvio ang kanilang wedding

Angeline at Nonrev, naikwentong birthday gift nila kay Sylvio ang kanilang wedding

- Nabanggit nina Angeline Quinto at asawa nitong si Nonrev Daquina na birthday gift nila kay Sylvio ang kanilang pag-iisang dibdib

- Katunayan, itataon pa sana nila sa petsa ng kapanganakan ni Sylvio ang kanilang kasal subalit hindi ito nasunod

- Gayundin sa paparating nilang second baby kaya malaking bagay na nabasbasan na umano ng simbahan ang kanilang pagsasama

- Sa bago niyang vlog, naibahagi rin nina Angeline ang ilang kwento sa likod ng kanilang matagumpay na kasalan

Naglabas ng 'Behind the scenes of our wedding' vlog sina Angeline Quinto at mister nitong si Nonrev Daquina.

Angeline at Nonrev, naikwentong birthday gift nila kay Sylvio ang kanilang wedding
Angeline Quinto and Nonrev Daquina (Love Angeline Quinto YouTube)
Source: Youtube

Mula sa pagpili ng simbahan, pagkain, reception hanggang sa mga pakulo sa espesyal nilang araw na ito ay sina Angeline at Nonrev nakaisip ng mga konsepto.

Masaya naman silang nagawa at naisakatuparan itong lahat lalo na ang pagpapakasal nila sa Quiapo church. Laking pasasalamat nila sa mga naglinis ng lugar maging ang mga kapulisan na tumutok sa seguridad nila at ng kanilang bisita sa kanilang kasalan.

Read also

Andrea Brillantes nagbahagi ng payo sa kanyang mga kaedad: "Be single"

Nabanggit din nina Angeline at Nonrev na para kay Sylvio ang pag-iisang dibdib gayung sana'y sa petsa ng kaarawan ni Sylvio gaganapin ang kanilang kasalan. Subalit hindi available ang petsang ito sa kanilang reception venue kaya naman April 25 ang naging petsa ng kanilang pag-iisang dibdib.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Saka ano, 'di ba babe, birthday gift din natin kay Sylvio 'yung wedding," ani Nonrev.

"Yes. Oo. Ito talaga yung pinakaunang dahilan namin. Sabi ko, magandang birthday gift kay Sylvio ito na habang lumalaki na siya, 'di ba babe? Magkaroon na kami ng blessing sa Panginoon. Since magkakaroon na rin po ng second baby. Gusto namin na buo na talaga kami as family. Hindi man 'to maiintindihan ni Sylvio lahat, I'm sure na kapag nasa tamang edad naman na siya, maiintindihan naman niya ang lahat nang ito," ang pagbabahagi naman ni Angeline.

Read also

Luis Manzano, aliw na aliw sa interview niya sa content creators na sina Alvin at Rochelle

Narito ang kabuuan ng kanilang vlog:

Si Angeline Quinto ay isang kilalang Filipina singer na tinagurian bilang 'Power Diva'. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Noong pandemya, naging aktibo rin si Angeline sa kanyang YouTube channel na 'Love Angeline Quinto' kung saan mayroon na siyang mahigit 1.54 million subscribers. Doon kasi napanood ang kanyang naging pregnancy journey kay Baby Sylvio maging ang jowa reveal niya kay Nonrev, gayundin ang mga family bonding nila.

Samantala, isa si Angeline sa mga aminadong napaiyak ng pelikulang Rewind. Matatandaang maging ang mga bida sa pelikulang ito na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes at mga kasama nila sa premiere night ng naturang pelikula ay naging emosyonal din nang mapanood nila ang kabuuan ng ngayo'y highest grossing Filipino film of all time.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel