Asawa ni Nikko Natividad, umalma sa komento kaugnay sa post ni Nikko

Asawa ni Nikko Natividad, umalma sa komento kaugnay sa post ni Nikko

- Binahagi ng asawa ni Nikko Natividad ang isang komento kaugnay sa post ng dating Hashtags member

- Sinabi ng naturang netizen na sinungaling daw si Cielo dahil sinabi daw nitong siya ang nagpabura ng post ni Nikko gayong sinabi daw sa post ni Nikko na management ang nagpabura

- Buwelta ni Cielo, hindi na sana siya mamba-block pero aniya ay sumusobra na ang ilan sa mga netizens

- Dagdag pa niya, wala siyang dapat ipaliwanag dito at malaya daw itong iblock sila kung ayaw sa kanila

Binahagi ng asawa ni Nikko Natividad, si Cielo Eusebio, ang kanyang sama ng loob sa isang komento kaugnay sa post ng dating Hashtags member. Isang netizen ang nagsabing sinungaling daw si Cielo dahil sinabi nitong siya ang nagpabura ng post ni Nikko, samantalang ayon sa post ni Nikko, management ang nagpabura nito.

Read also

Diwata, kinausap ang traffic enforcer dahil pwesto lang daw nya ang pinag-iinitan

Asawa ni Nikko Natividad, umalma sa komento kaugnay sa post ni Nikko
Asawa ni Nikko Natividad, umalma sa komento kaugnay sa post ni Nikko
Source: Instagram

Dagdag pa ni Cielo, hindi na sana siya mamba-block ng mga netizens, pero sumusobra na ang ilan sa kanila. Ipinahayag niya na wala siyang dapat ipaliwanag sa mga ito at malaya silang i-block sila kung ayaw sa kanila.

"Di sana ako mambblock kahit ano ano na sinasabi nyo pero sumosobra naman kayo sa pinagsasabi nyo pati pinapakain sa pamilya namin pinapakealaman nyo..bawat meron kami at kinakain namin pinagttrabahuan namin wag nyo idamay pati sa anak ko kasi dun ako di papayag. Kung makasalita ka kala mo kilalang kilala mo kami. Sino kaba? Kung nandidiri ka umalis ka dito. Wala ako kailangan ipaliwanag sayo kung sino samin ang sinunod para idelete at bakit, kung ayaw mo sa tao malaya ka na iblock kami at salamat sa time mo para magcomment pa sa wall ko."

Asawa ni Nikko Natividad, umalma sa komento kaugnay sa post ni Nikko
Asawa ni Nikko Natividad, umalma sa komento kaugnay sa post ni Nikko
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Gerald Anderson, binalikan ang pagbigay ng bahay sa ina: "Inuna ko yun para sa nanay ko"

Si Nikko Natividad ay unang sumikat matapos niyang manalo sa Gandang Lalake segment ng It's Showtime. Kinalaunan, nakabilang siya sa tinaguriang "kilig ambassadors" ng noontime show, ang grupong Hashtags.

Kinaaliwan si Nikko Natividad sa kanyang Instagram post bilang kanyang reaksiyon sa rebelasyon ni Jake Ejercito sa vlog ni Charlie Dizon. Isa kasi sa naitanong ay tungkol sa kung sino ang huling tao sa kanyang search history sa Instagram at mabilis ang naging tugon ni Jake na si "Nikko daks." Pabirong sinabihan ni Nikko si Jake na masaya ang pagsasama nila ng kanyang misis at makakahanap din daw ito ng kagaya niya. Sagot naman ni Jake, na na-curious lang daw siya sa mga swimsuit posts ni Nikko.

Ibinida ni Nikko ang video niya kasama ang inaanak na si Felize na anak nina McCoy De Leon at Elisse Joson. Makikita sa video na hinahawakan niya ito sa magkabilang kamay at pinapasayaw. Hirit pa ni Nikko, sa halagang 3K kada araw ay mapapalabas niya ang hidden talent ng bata. Pabiro nitong sinabihan sina McCoy at Elisse na may babayaran silang 6K sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate