Coco Martin kay Diwata: "Ang bait niya, nakakatuwa na ang sarap tulungan"

Coco Martin kay Diwata: "Ang bait niya, nakakatuwa na ang sarap tulungan"

- Nagbigay komento si Coco Martin sa social media personality at businessman na si Diwata

- Naikwento rin niya kung paano niya ito nakumbinsi na maging bahagi ng FPJ Batang Quiapo

- Aniya, bait si Diwata at masarap umanong tulungan dahil hindi lang sarili ang natutulungang umangat ang buhay kundi maging ang ibang tao

- Matatandaang maging si Rosmar Tan Pamulaklakin ay halos ganito rin ang komento kay Diwata

Maging si Coco Martin ay hanga sa social media personality na si Diwata.

Coco Martin kay Diwata: "Ang bait niya, nakakatuwa na ang sarap tulungan"
Coco Martin (@cocomartin_ph)
Source: Instagram

Sa isang eksklusibong panayam sa kanya ng ABS-CBN, naikwento ito ni Coco at kung paano na rin niya nakumbinsi si Diwata na maging bahagi ng FPJ Batang Quiapo.

"May maliit na eksena na may kakainan kami. Sabi ko try niyo nga ipatawag si Diwata. Kapag pumunta, ibig sabihin para sa kanya 'yung role," ani Coco. At pinaunlakan naman siya ni Diwata at dumating sa set ng nasabing serye.

Read also

Melai Cantiveros at Jason Francisco, bumisita sa filming location ng 'Queen of Tears'

Masinsinang pag-uusap muna ang ginawa nila ni diwata patungkol sa magiging ganap nito sa Batang Quiapo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

At dahil alam naman ni Coco na si Diwata ang punong abala sa kanyang mga negosyo, pinag-usapan nila ang magiging shoot nito sa serye.

"May committment 'yan, kami nagte-taping ng MWF (Mondays, Wednesdays Fridays). Sabi niya, 'kahit ano po wala pong ano.' Kumbaga yung dedication nandoon. Siyempre nakikita ko sobrang lakas ng negosyo niya. Busy siya, ang dami niyang nakakausap na tao.”

Bagama't kabado umano si Diwata sa unang eksena nila, kinakitaan pa rin ito ni Coco ng kakayanan sa pag-arte.

Bukod dito, hanga umano si Coco sa ugaling pinakikita ni Diwata sa set.

"Ang gusto ko sa kanya kasi dahil galing din sa baba, alam mo yung naiintindihan niya yung trabaho ng lahat. Hindi siya nagpapahintay. Hindi siya sakit ng ulo. Nandu'n lang siya sa isang tabi tahimik. Tapos nililibre pa nga kami, binibiro namin."

Read also

Diwata, umalma Facebook page na gumagamit ng pangalan niya

Bilib din si Coco sa kung paano nababago ni Diwata hindi lamang ang sarili niyang buhay kundi ang buhay ng kanyang mga nabibigyan ng trabaho sa kanyang pamosong paresan.

"Ang bait niya. Nakakatuwa na ang sarap tulungan kasi nakikita mo 'yung tao na gusto niyang i-improve 'yung buhay niya, 'yung sarili niya. At alam niya 'yung puwesto niya. Ang sarap tulungan 'yung mga taong alam mong may pangarap at gustong may mangyari sa buhay.”

Matatandaang halos ganito rin ang naging pahayag ni Rosmar Tan Pamulaklakin patungkol kay Diwata kaya naman mas lalo siyang ginanahang tulungan ito. Sa isa sa kanyang mga post, nabanggit niyang hindi abusado si Diwata kaya naman hindi kataka-takang umaapaw ang biyayang natatanggap nito.

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Read also

Diwata, binenta ng Php3,000 kay Boss Toyo ang unang kaldero niya sa paresan

Matatandaang nagbigay ng mensahe si Diwata sa kanyang mga bashers na nagsasabi ng hindi kagandahang mga salita tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkaing kanyang inihahanda at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers na ito. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinikayat silang linilisin ang ugali ng mga ito. Aniya simple lang ang kanyang layunin at ito ay ang makabangon sa kahirapan.

Kamakailan, matatandaang napanood na si Diwata sa FPJ Batang Quiapo. Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Diwata na muli pa rin siyang mapapanood sa serye subalit hindi na siya nagbigay ng iba pang mga detalye.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel