Diwata, sinagot ang komento ni Mystica: "Ang importante sa akin, business ko"

Diwata, sinagot ang komento ni Mystica: "Ang importante sa akin, business ko"

- Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya

- Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat

- Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin

- Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo

Isang mainit na usapan ang nabuo matapos magbigay ng komento si Mystica patungkol sa kasikatan ni Diwata. Ayon kay Mystica, tila yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat.

Diwata, sinagot ang komento ni Mystica: "Ang importante sa akin, business ko"
Diwata, sinagot ang komento ni Mystica: "Ang importante sa akin, business ko"
Source: Facebook

Sa isang video na binahagi ng Facebook page na Vlogger ng Bayan, sinagot ni Diwata ang mga pahayag ni Mystica sa isang panayam.

Sa kanyang tugon, mariing sinabi ni Diwata na hindi mahalaga sa kanya ang opinyon ni Mystica. Dagdag pa niya, ang pinahahalagahan niya sa ngayon ay ang kanyang negosyo. "Ang importante sa akin, business ko."

Read also

Kris Aquino, masaya na tumalab na ang gamot sa kanyang autoimmune disease

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang palitan ng mga pahayag na ito ay nagdulot ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga tagahanga at tagasubaybay ng dalawang personalidad. Habang ang ilan ay sumang-ayon kay Diwata at sinuportahan ang kanyang pagtuon sa negosyo, may ilan naman na umayon kay Mystica at kinuwestiyon ang pagbabago sa ugali ni Diwata.

Sa kabila ng mga kontrobersiya, nanatiling determinado si Diwata na ipagpatuloy ang kanyang mga proyekto at negosyo. Samantala, nasa ibang bansa si Mystica at naghahanapbuhay doon.

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Pinakita ni Diwata ang mga regalong binigay sa kanya ng mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail. Sa kanyang vlog ay isa-isa niyang binuksan ang mga regalo sa kanya na kinabilangan ng pampaswerte, laptop at mga cellphone. Nagpasalamat si Diwata sa mag-asawa at nabanggit na babalik pa raw si Whamos dahil may ibibigay pa raw ito sa kanya. Sa patuloy na pagsikat ni Diwata ay tuloy-tuloy din ang mga biyayang natanggap niya mula sa mga kilalang personalidad.

Read also

Diwata, nakatanggap ng mga regalo mula sa mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail

Hindi pa tapos ang sopresa ni Rosmar Tan kay Diwata at binigay niya ang mga karagdagang sorpresa ngayong araw. Kasabay ito sa pagdiriwang ng ikalawang kaarawan ng anak ni Rosmar na panganay at binyag naman sa kanyang bunso. Tig-isang milyong piso mula sa dalawang brand ang natanggap ni Diwata sa kanilang collaboration. Matatandaang sa unang beses na pagpunta ni Rosmar sa paresan ni Diwata ay umabot raw sa 5 milyong piso ang kabuuan ng halaga na naibigay niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel