Rosmar Tan, ibinigay ang mga karagdagang sorpresa para kay Diwata

Rosmar Tan, ibinigay ang mga karagdagang sorpresa para kay Diwata

- Hindi pa tapos ang sopresa ni Rosmar Tan kay Diwata at binigay niya ang mga karagdagang sorpresa ngayong araw

- Kasabay ito sa pagdiriwang ng ikalawang kaarawan ng anak ni Rosmar na panganay at binyag naman sa kanyang bunso

- Tig-isang milyong piso mula sa dalawang brand ang natanggap ni Diwata sa kanilang collaboration

- Matatandaang sa unang beses na pagpunta ni Rosmar sa paresan ni Diwata ay umabot raw sa 5 milyong piso ang kabuuan ng halaga na naibigay niya

Hindi pa tapos ang sorpresa ni Rosmar Tan para kay Diwata, at ngayong araw ay muli siyang nagbigay ng karagdagang sorpresa. Kasabay ito ng pagdiriwang ng ikalawang kaarawan ng kanyang panganay na anak at binyag naman ng kanyang bunso.

Rosmar Tan, ibinigay ang mga karagdagang sorpresa para kay Diwata
Rosmar Tan, ibinigay ang mga karagdagang sorpresa para kay Diwata
Source: Facebook

Bilang bahagi ng pagdiriwang, tumanggap si Diwata ng tig-isang milyong piso mula sa dalawang brand na ka-collaborate ni Rosmar. Ang kabuuang halaga ng mga natanggap ni Diwata mula sa mga brand ay umabot ng dalawang milyong piso.

Read also

Diwata, nakatanggap ng mga regalo mula sa mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang sa unang beses na pagpunta ni Rosmar sa paresan ni Diwata, umabot raw sa limang milyong piso ang kabuuan ng halaga na naibigay niya. Ang patuloy na pagbibigay at pagsuporta ni Rosmar kay Diwata ay umani ng papuri mula sa netizens, na pinuri ang kanyang pagiging mapagbigay at mapagmalasakit.

Sa dami ng biyayang natanggap ni Diwata mula kay Rosmar, marami ang humanga lalo. Ang mga karagdagang sorpresa na ito ay nagbigay inspirasyon sa marami na maging bukas-palad at mapagbigay din sa kanilang kapwa at patuloy na magsumikap.

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Read also

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jho Rovero nitong Mother's Day

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel