Barbie kay Alden bilang co-star: "ramdam ko 'yung care niya sa'kin"

Barbie kay Alden bilang co-star: "ramdam ko 'yung care niya sa'kin"

- Ibinahagi ni Barbie Froteza kung paano si Alden Richards bilang co-star

- Bibida sila sa seryeng Pulang Araw na ipalalabas sa GMA

- Kasama rin nina Barbie ang kanyang nakapareha sa Maria Clara at Ibarra na si David Licauco

- Kamakailan ay hinirang siya bilang Primetime TV Drama Actress of the Year para sa nasabing serye na hango sa Noli Me Tangere

Naikwento ni Barbie Forteza kung gaano ka-supportive ang kanyang 'Pulang Araw' co-star na si Alden Richards.

Barbie kay Alden bilang co-star: "ramdam ko 'yung care niya sa'kin"
Barbie kay Alden bilang co-star: "ramdam ko 'yung care niya sa'kin" (Barbie Forteza)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel ng 24 Oras, naibahagi ni Barbie kung gaano kaalaga si Alden sa set.

"Talagang suporta. 'Pagka may kailangan na umpisa pa lang ng eksena kailangan ko nang umiyak, automatic kay Alden 'yun, na hahawakan niya 'yung kamay ko," ani Barbie.

"Ramdam ko rin 'yung care niya sakin bilang ang tagal na naming magkaibigan," dagdag pa nito.

Read also

Ivana Alawi, kumita ng milyon-milyon sa loob ng anim na oras sa live selling: "eight digits!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mapapanood din sa naturang serye ang minsan na niyang nakapareha sa Mari Clara at Ibarra na si David Licauco. Gayundin ang isa pa nilang nakasama noon sa serye na si Dennis Trillo ay kabilang din umano sa cast ng Pulang Araw.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Barbie mula sa GMA Integrated News, 24 Oras:

Si Barbara Ambas Forteza na mas kilala bilang si Barbie Forteza ay Filipino actress, comedian, dancer, singer, host, at vlogger. Kamakailan lamang, labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Klay sa Maria Clara at Ibarra. Pumatok din sa kanilang mga tagasubaybay ang nabuong love team sa serye na 'FiLay' kung saan nakapareha niya si David Licauco bilang si Fidel.

Umani ng kabi-kabilang papuri si Barbie. Isa na rito si Ivana Alawi kung saan nilarawan niya na 'nicest person' sa GMA ang naturang Maria Klara at Ibarra star. Ito ay sa dami na umano niyang dinanas na nagmaldita pa sa kanya sa panahong isa pa umano siyang Kapuso.

Read also

Donny, may nakakakilig na pasasalamat sa sumuporta sa CBML: "Labyu!"

Samantala, kamakailan lang ay hinirang Primetime TV Drama Actress of the Year si Barbie para sa teleseryeng Maria Clara at Ibarra. Iginawad ito sa kanya ng Box Office Entertainment Awards 2024. Bago pa man ang karangalang ito ay marami na talagang humanga kay Barbie sa pagganap niya sa nasabing serye.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica