Jayda Avanzado, ibinida ang pagkakaibigan nila ni Elha Nympha

Jayda Avanzado, ibinida ang pagkakaibigan nila ni Elha Nympha

- Sa kanyang Intagram story, ipinagmalaki ni Jayda Avanzado ang pagkakaibigan nila ni Elha Nympha

- Aniya, pinagpala siya na mayroon siyang kaibigan na kagaya ni Elha na aniya ay totoong kaibigan

- Ang 'kabaliwan at humor' daw nito ay maituturing ni Jayda na 'bright spot' sa buhay niya

- Dagdag pa ni Jayda, sana ay magkaroon pa sila ng mas marami pang out of the country trips at adventures na magkasama sila

Sa kanyang Instagram story, ipinagmalaki ni Jayda Avanzado ang espesyal na pagkakaibigan na meron sila ni Elha Nympha. Binanggit ni Jayda na lubos siyang pinagpala sa pagkakaroon ng isang kaibigang tulad ni Elha na inilarawan niya bilang totoong kaibigan.

Jayda Avanzado, ibinida ang pagkakaibigan nila ni Elha Nympha
Jayda Avanzado, ibinida ang pagkakaibigan nila ni Elha Nympha
Source: Instagram

Ayon kay Jayda, ang kabaliwan at humor ni Elha ay nagiging isang "bright spot" sa kanyang buhay. Binibigyang diin niya ang kahalagahan ng ganitong uri ng kaibigan na nagbibigay ng ligaya at kulay sa kanilang mga araw.

Read also

Maris Racal, nag-react sa headline na nagsabing itinodo na raw niya ang kanyang kaartehan

Yung kabaliwan and humor mo is a bright spot in my life.

Dagdag pa ni Jayda, umaasa siyang magkaroon pa sila ng mas maraming pagkakataon na magkaroon ng mga biyahe at mga bagong karanasan sa ibang bansa kasama ang isa't isa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalakip ng kanyang mensahe ay mga video clips kung saan magkasama sila. Binati ito ni Jayda ng belated Happy Birthday.

Jayda Avanzado, ibinida ang pagkakaibigan nila ni Elha Nympha
Jayda Avanzado, ibinida ang pagkakaibigan nila ni Elha Nympha
Source: Instagram

Si Jayda Avanzado ang tanging anak ng mag-asawang mang-aawit na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. Bilang anak ng dalawa sa pinakasikat na OPM singers sa bansa, hindi kataka-taka na tinahak din ni Jayda ang mundo ng pag-awit.

Minabuti ni Jayda Avanzado na sagutin ang isang netizen na pumuri sa kanyang kagandahan at nagsabing kamukha niya raw ang amang si Dingdong Dantes.Ani Jayda, ibang Dingdong ang kanyang ama at ito ay si Dingdong Avanzado. Gayunpaman, sinabi ni Jayda na naging fan siya ni Dingdong Dantes matapos niyang mapanood ang Rewind. Aniya, napakahusay na artista talaga nito lalo na sa naturang pelikula kung saan nakatambal niya ang asawang si Marian Rivera.

Read also

Jayda Avanzado: "Matagal na rin pong hindi kami nag-uusap ni Francine"

Sinagot ni Jayda ang ilang katanungan sa kanya ni Cristy Fermin nang mag-guest ito sa online show na Cristy Fer Minute. Patungkol ito sa nangyari sa pagkakaibigan nila ni Francine matapos mapansin ng mga netizens na hindi na sila nakikitang magkasama. Si Francine at Jayda ay kilala bilang BFF o "best friends forever" base sa kanilang mga vlogs. Inamin ni Jayda na matagal na rin silang hindi nag-uusap ni Francine.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel