Jayda Avanzado: "Matagal na rin pong hindi kami nag-uusap ni Francine"

Jayda Avanzado: "Matagal na rin pong hindi kami nag-uusap ni Francine"

- Sinagot ni Jayda Avanzado ang ilang katanungan sa kanya ni Cristy Fermin nang mag-guest ito sa online show na Cristy FerMinute

- Patungkol ito sa nangyari sa pagkakaibigan nila ni Francine matapos mapansin ng mga netizens na hindi na sila nakikitang magkasama

- Si Francine at Jayda ay kilala bilang BFF o "best friends forever" base sa kanilang mga vlogs

- Inamin ni Jayda na matagal na rin silang hindi nag-uusap ni Francine

Nitong mga nakaraang araw, lumabas ang isyu sa pagitan nina Francine Diaz at Jayda Avanzado, at ayon sa mga alegasyon, ito ang dahilan kung bakit nagtapos ang kanilang pagkakaibigan.

Jayda Avanzado: "Matagal na rin pong hindi kami nag-uusap ni Francine"
Jayda Avanzado: "Matagal na rin pong hindi kami nag-uusap ni Francine"
Source: Instagram

Sa isang episode ng Cristy Ferminute, ang showbiz talk show ng beteranong insider sa showbiz na si Cristy Fermin kasama si Romel Chika, tinanong si Jayda tungkol sa nangyari sa kanila ni Francine.

Aminado si Jayda na matagal silang hindi nag-uusap ni Francine. Ibinunyag niyang ang huling pagkakataon nilang nag-usap ay nang batiin niya si Francine sa kanyang kaarawan.

Read also

Ogie Diaz, naglabas ng 'resibo' upang patunayang hindi nila kinumpirmang mamamaalam na ang EB

Tinanong ni Cristy si Jayda kung totoo bang sa isang party sila at si Andrea Brillantes (Blythe) ay nagpakuha ng litrato. Ito daw ba ang dahilan at nagalit si Francine.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinaliwanag ni Jayda na totoo na sila ni Blythe ay nagpakuha ng litrato dahil ang huli ay isa sa mga co-host ng party na iyon.

"Importante po na nakikisama ako sa lahat ng tao sa industriya," sabi niya, dagdag pa na alam niya ang pagkakaroon ng mga negatibong komento matapos ang pangyayaring iyon.

Sinabi pa ni Jayda na dahil hindi siya trinato ng masama ni Blythe o ginawan siya ng anumang masama, hindi niya makita ang anumang isyu kung sila ay magkakaroon ng litrato.

Pagkatapos, binasa ni Cristy ang isang komento mula sa isang netizen na nagsasabing akala nila ay si Seth Fedelin, ang loveteam partner ni Francine Diaz, ang dahilan sa likod ng isyu.

Read also

Joey De Leon: "Mahal namin ang It's Showtime... 'Wag niyo kami pagsabungin"

Tinanong ng insider sa showbiz si Jayda kung totoo bang nanligaw si Seth sa kanya. Sumagot lamang siya ng, "Ito na lang po ang sasabihin ko, no comment po."

Pagkatapos nito, ibinahagi ni Cristy ang sinabi ng kanyang source. Pagkatapos ng party, harap-harapan raw sinabihan ni Francine si Jayda na si Blythe umano ang nagtangkang sirain ang kanyang buhay at karera ngunit hindi umano ito nagtagumpay.

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Read also

Elha Nympha, umalma sa umano'y 'pang-aatake' ng fans ni Francine Diaz

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ring mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel