Jayda Avanzado, natawa sa nagsabing kamukha niya ang 'ama' raw niyang si "Dingdong Dantes"

Jayda Avanzado, natawa sa nagsabing kamukha niya ang 'ama' raw niyang si "Dingdong Dantes"

- Minabuti ni Jayda Avanzado na sagutin ang isang netizen na pumuri sa kanyang kagandahan at nagsabing kamukha niya raw ang amang si Dingdong Dantes

- Ani Jayda, ibang Dingdong ang kanyang ama at ito ay si Dingdong Avanzado

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Gayunpaman, sinabi ni Jayda na naging fan siya ni Dingdong Dantes matapos niyang mapanood ang Rewind

- Aniya, napakahusay na artista talaga nito lalo na sa naturang pelikula kung saan nakatambal niya ang asawang si Marian Rivera

Natawa na lang si Jayda Avanzado sa sinabi sa kanya ng isang netizen na kamukha raw niya ang ama niyang si Dingdong Dantes. Aniya, ibang Dingdong ang tatay niya at ito ay si Dingdong Avanzado.

Jayda Avanzado, natawa sa nagsabing kamukha niya ang 'ama' daw niyang si Dingdong Dantes
Jayda Avanzado, natawa sa nagsabing kamukha niya ang 'ama' daw niyang si Dingdong Dantes
Source: TikTok

Pinasalamatan niya ito sa pagpuri niya sa kanya dahil kamukha daw nito ang ama niyang si Dingdong Dantes

Read also

Cristy, sa madalas na papuri kay Alden: "Hindi po kami bayaran ni Alden Richards"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Maraming salamat po pero disclaimer lang, hindi po ako anak ni Dingdong Dantes. Ibang Dingdong ang tatay ko. Ito po yung tatay ko, si Dingdong Avanzado, Jayda Avanzado po ako.

Gayunpaman, sinabi ni Jayda na naging fan siya ni Dingdong Dantes matapos niyang mapanood ang Rewind.

Pero shoutout kay Dingdong Dantes kasi naging fan niya ako after Rewind. Napakahusay na artista talaga.

Kilala si Jayda Avanzado bilang isang mang-aawit. Siya ay anak ng mga sikat na mang-aawit na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza. Si Jayda ay nakilala sa kanyang mga awitin, kabilang na ang kanyang popular na kanta na "Happy for You."

Matatandaang nagdiwang ng kanyang ika-18 na kaarawan ang unica hija ng mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na si Jayda. Dinaluhan iyon ng ilan sa malalapit na tao sa dalaga at nagkaroon sila ng isang dinner celebration sa isang sikat na hotel. Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Jayda ang ilan sa mga litratong kuha sa kanyang kaarawan. Naroroon din ang tinuturing na bestfriend ni Jayda sa showbiz, ang teen star na si Francine Diaz .

Read also

Melai Cantiveros, hulicam sa kanyang 'hokage moves': "Dahil iba ang may alam"

Ibinahagi ni Jayda kamakailan ang kanyang nabiling sariling condo unit na aniya ay "first big girl purchase and investment of 2024.: Aniya, marami pang dapat gawin sa naturang condo pero masaya siya sa kanyang sariling condo. Marami ang natuwa sa binahaging ito ni Jayda na nagtatrabaho na rin at kilala sa showbiz bilang isang singer at aktres. Maging ang kanyang mga magulang na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado ay masaya at proud sa kanilang unica hija

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel