Cassy Legaspi, nilinaw na na-hack ang unang Facebook account niya

Cassy Legaspi, nilinaw na na-hack ang unang Facebook account niya

- Nilinaw ni Cassy Legaspi na hindi na siya ang may hawak ng Facebook account niya na may 13 milyong likes at 21 milyong followers

- Ayon sa dalaga, na-hack daw ang naturang Facebook account kaya gumawa na lamang siya ng bago

- Kasabay nito ay humihiling siya sa kanyang mga tagasubaybay sa Instagram na magtulungan sa pag-report ng nasabing account upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng maling impormasyon

- Ibinahagi ni Cassy na siya ay gumawa ng isang bagong opisyal na Facebook page upang mapalitan ang na-hack na account

Sa kanyang Instagram Stories, ipinaabot ni Cassy Legaspi ang isang mahalagang anunsyo upang mabigyan linaw ang ilang mga pagdududa hinggil sa kanyang Facebook account.

Cassy Legaspi, nilinaw na na-hack ang unang Facebook account niya
Cassy Legaspi, nilinaw na na-hack ang unang Facebook account niya
Source: Instagram

Nang maglabas siya ng pahayag, nagbigay siya ng kasagutan sa tumitinding usapin tungkol sa isang Facebook page na may pangalang Cassy Legaspi na may humigit-kumulang na 13 milyong likes at 21 milyong followers. Sinabi ni Cassy na ang nabanggit na account ay hindi sa kanya.

Read also

Dancing Queen na sayaw ni Bea Alonzo, inihalintulad sa version ni Julia Barretto

""It used to be mine until I was hacked in 2021," pahayag ni Cassy, na kasabay na humihiling sa kanyang mga tagasubaybay sa Instagram na magtulungan sa pag-report ng nasabing account upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng maling impormasyon.

Sa kanyang susunod na post sa Instagram Stories, ibinahagi ni Cassy na siya ay gumawa ng isang bagong opisyal na Facebook page upang mapalitan ang na-hack na account. Sa kasalukuyan, ang bagong Facebook page niya ay mayroon nang 23 libong likes at 52 libong followers.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Since my original Facebook page was hacked, had to make a new Facebook page,"

Cassy Legaspi, nilinaw na na-hack ang unang Facebook account niya
Cassy Legaspi, nilinaw na na-hack ang unang Facebook account niya
Source: Facebook

Dagdag pa niya, "Asahan niyo ang mga totoong balita at impormasyon mula sa akin sa aking bagong Facebook page. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at pang-unawa."

Read also

Jennylyn Mercado, nabahala sa paggamit ng mga litrato nila para pagkakitaan

Si Cassy Legaspi ay isa sa kambal na anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. Si María Carmina Muñiz Villarroel-Legaspi o mas kilala sa kanyang screen name na Carmina Villarroel-Legaspi ay isang Filipina actress at kilalang TV host. Siya ang misis ng isa ring aktor na si Zoren Legaspi.

Sa kanyang YouTube video, ibinahagi ni Carmina ang mga naging kasagutan ng kanyang mister na si Zoren sa ilang mga katanungan. Kabilang na dito ang tungkol sa umano'y pinakapaboritong bahagi nito sa kanilang kasal. Ani Zoren, iyon ay ang paglalakad ni Carmina sa aisle dahil sa emosyon na kanyang nararamdaman noong mga panahong iyon. Dito na nagsimulang balikan ni Zoren ang isa sa mga dahilan kung bakit niya naisipang ituloy ang kanilang surprise wedding na may kinalaman pala sa ama ni Carmina.

Naitanong ni Carmina ang ilan sa mga katanungan para sa kanyang asawang si Zoren Legaspi sa isang vlog. Kabilang dito ay kung handa na ba ito na magkaroon ng karelasyon ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi. Aminado si Zoren na hindi pa siya handa at nagbigay pa ito ng kanyang saloobin kaugnay sa aniya'y nakaugalian kaya maagang namumulat ang mga bata sa pakikipagrelasyon. Naniniwala umano siyang kahit nasa 21 na ang kanyang mga anak ay hindi ito nangangahulugang handa na sa pakikipagrelasyon ang mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel