Dancing Queen na sayaw ni Bea Alonzo, inihalintulad sa version ni Julia Barretto

Dancing Queen na sayaw ni Bea Alonzo, inihalintulad sa version ni Julia Barretto

- Viral ngayon ang video ng pagsayaw ni Bea Alonzo ng 'Dancing Queen' kasama sina Heart Evangelista, Kyline Alcantara at Sarah Lahbati

- Gayunpaman, napansin ng netizens ang pagkakaparehas nila ni Julia Barretto

- Matatandaang isa sa viral video ni Julia ay itim din na damit ang suot niya habang nagsasayaw siya ng Dancing Queen

- Dahil sa pagkakahawig ng kanilang video ay hindi maiwasang mahambing ang dalawa

Viral ang video ng pagsayaw ni Bea Alonzo ng kanyang bersyon ng "Dancing Queen" kasama ang mga kilalang personalidad na sina Heart Evangelista, Kyline Alcantara, at Sarah Lahbati na kumakalat sa social media.

Gayunpaman, hindi maiiwasang mapansin ng mga netizens ang pagkakahalintulad ng kanilang pagsayaw sa naunang bersyon na ginawa ni Julia Barretto.

Dancing Queen na sayaw ni Bea Alonzo, inihalintulad sa version ni Julia Barretto
Dancing Queen na sayaw ni Bea Alonzo, inihalintulad sa version ni Julia Barretto
Source: Instagram

Sa naunang viral na video ni Julia Barretto na sumasayaw din ng "Dancing Queen," isa sa mga hindi makakaligtaan ay ang itim na damit na suot niya habang siya ay sumasayaw. Ang pagkakahalintulad ng mga suot at ang estilo ng kanilang pagsayaw ay nagdulot ng pagkukumpara sa pagitan ng dalawang aktres.

Read also

Victor Consunji, ibinida ang picture ni Rachel Carrasco: "#LovingMyView"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kamakailan lamang, ay usap-usapan ang pagkakaayos nila, kaya't mas lalo pang nabigyang pansin ang mga pangyayari na nagdudulot ng komparasyon sa kanilang dalawa.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Read also

Pagprito ng mga pagkain ng isang vlogger gamit ang init ng araw, viral

Sinagot ni Beatriz Saw ang komento ng isang netizen tungkol sa opinyon niya matapos ang kumpirmasyon sa hiwalayang Bea at Dominic Roque. Ayon sa netizen na ito, masyadong mataas ang tingin ng tao kay Bea dahil meron siyang lupain. Dagdag pa nito, kahit gaano kayaman ang tao kung may 'something' daw sa character ay hindi talaga papakasalan ng lalaki. Sagot naman ni Beatriz ay wala namang something sa character ng kaibigan niyang si Bea.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel