Jennylyn Mercado, nabahala sa paggamit sa mga litrato nila para pagkakitaan

Jennylyn Mercado, nabahala sa paggamit sa mga litrato nila para pagkakitaan

- Nagpahayag ng pagkabahala si Jennylyn Mercado dahil sa paggamit ng pictures ng kanyang pamilya upang pagkakitaan

- Isang Facebook page ang gumagamit ng mga litrato nina Jennylyn, kanyang asawa na si Dennis Trillo, at kanilang anak na si Dylan Jayde Ho

- Nagbabala si Jennylyn at kanyang talent management sa naturang Facebook account at mariin na kinondena ang ginawa nito

- Inudyukan din nila ang publiko na i-report ang nasabing pekeng Facebook page

Ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado ay nagpahayag ng kanyang pagkabahala matapos malaman ang paggamit ng isang Facebook page ng mga litrato ng kanyang pamilya upang kumita.

Jennylyn Mercado, nabahala sa paggamit sa ng mga litrato ng nila para pagkakitaan
Jennylyn Mercado, nabahala sa paggamit sa ng mga litrato ng nila para pagkakitaan
Source: Youtube

Ibinahagi ni Jennylyn at ng kanyang talent management na Aguila Entertainment ang naturang account ay gumagamit ng mga litrato nina Jennylyn, kanyang asawa na si Dennis Trillo, at kanilang anak na si Dylan Jayde Ho.

Read also

Pagprito ng mga pagkain ng isang vlogger gamit ang init ng araw, viral

Binalaan ni Jennylyn at ng kanyang talent management ang naturang Facebook account at mariin na kinondena ang pang-aabuso sa paggamit ng mga litrato ng kanilang pamilya. Ipinunto rin nila na hindi sila ang may-ari o namamahala ng nabanggit na Facebook page.

Sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page, inire-post ni Jennylyn ang opisyal na pahayag ng Aguila Entertainment. Inudyukan nila ang publiko na i-report ang nasabing pekeng Facebook page habang iniimbestigahan ng kanilang legal team ang kanilang mga legal na opsyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa huli, humiling si Jennylyn sa sinumang nagmamay-ari ng pekeng Facebook account na makipag-ugnayan sa kanyang talent management, ang Aguila Entertainment, upang matugunan at malutas ang nasabing isyu nang maayos.

Si Jennylyn Mercado ay isang Kapuso actress na nakilala matapos niyang manalo sa talent search na Starstruck ng GMA-7. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang isang mang-aawit, recording artist at product endorser. Sa kabila ng kanilang nakaraan, maganda ang relasyon ni Jennylyn sa asawa ng kanyang ex na si Patrick na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz. Kaya naman marami ang natutuwa sa mga bonding moments nila na ibinabahagi nila sa social media.

Read also

Cassy Legaspi, nagsalita sa pinag-uusapang isyu sa pagitan nila ni Darren Espanto

Kinaaliwan si Dennis Trillo sa kanyang kakulitan sa kanyang mga TikTok videos. Sa kanyang ibinidang video kung saan gumamit siya ng 'Manny Pacquiao filter, kinanta pa niya ang isang linya ng awitin ng Pambansang Kamao. Sa isa pa niyang TikTok video ay ginamit naman niya sa kanyang anak na si Dylan ang naturang filter. Maririnig naman sa video na hindi mapigilan ng misis niyang si Jennylyn na matawa sa kanyang ginawa.

Ibinahagi ni Jennylyn Mercado ang ilang throwback pictures mula sa kanyang ika-18 kaarawan. Makikita sa mga ito na naroroon ang kanyang asawang si Dennis Trillo na nakasayaw pa niya. Nakalagay sa isa sa kanyang mga post na tila maging siya ay hindi naisip na ito ang kanyang makakatuluyan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel