Dennis Trillo, ginamitan ng 'Manny Pacquiao filter' ang anak na si Dylan

Dennis Trillo, ginamitan ng 'Manny Pacquiao filter' ang anak na si Dylan

- Kinaaliwan si Dennis Trillo sa kanyang kakulitan sa kanyang mga TikTok videos

- Sa kanyang ibinidang video kung saan gumamit siya ng 'Manny Pacquiao filter, kinanta pa niya ang isang linya ng awitin ng Pambansang Kamao

- Sa isa pa niyang TikTok video ay ginamit naman niya sa kanyang anak na si Dylan ang naturang filter

- Maririnig naman sa video na hindi mapigilan ng misis niyang si Jennylyn na matawa sa kanyang ginawa

Patok sa mga netizens ang kakulitan ni Dennis Trillo sa kanyang mga binabahaging TikTok video. Sa isa niyang TikTok video ay ginamit naman niya sa kanyang anak na si Dylan ang Manny Pacquiao filter.

Dennis Trillo, ginamitan ng 'Manny Pacquiao filter' ang anak na si Dylan
Dennis Trillo, ginamitan ng 'Manny Pacquiao filter' ang anak na si Dylan
Source: Instagram

Ginamit ni Dennis ang filter maging sa kanyang mukha sabay kanta ng isang linya sa awitin ng Pambansang Kamao.

Maging si Jennylyn ay maririnig sa background na natawa sa kanyang mister.

Read also

Jaclyn Jose, pumanaw ngayong Marso 3, 2024 sa edad na 60

Aliw din ang mga komento ng netizens sa video na ito ni Dennis:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wag mo na babayaran wifi niyo, Jennylyn
Jen, patulugin mo na si Dennis.
Itago mo charger ng asawa mo jen

Si Jennylyn Mercado ay isang Kapuso actress na nakilala matapos niyang manalo sa talent search na Starstruck ng GMA-7. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang isang mang-aawit, recording artist at product endorser. Sa kabila ng kanilang nakaraan, maganda ang relasyon ni Jennylyn sa asawa ng kanyang ex na si Patrick na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz. Kaya naman marami ang natutuwa sa mga bonding moments nila na ibinabahagi nila sa social media.

Ayon kay Jennylyn, malapit na siyang magbalik sa showbiz matapos ang kanyang pamamahinga dahil sa kanyang panganganak kay Baby Dylan. Sa panayam ni Nelson Canlas kay Dennis Trillo ay binati ni Jennylyn ang reporter kaya sinabihan niya ito na bumalik na sa trabaho. Matatandaang kinailangang itigil ng aktres ang kanyang taping sa seryeng "Love. Die. Repeat." Pinayagan naman siya ng GMA na ipagpatuloy na lamang niya ang naturang serye kapag pwede na siyang magtrabahong muli.

Read also

Vice Ganda, MC at Lassy, sumabak sa 'Panginig challenge' ni Ion Perez

Kinaaliwan ang TikTok video ni Dennis Trillo kung saan nag-lip sync siya ng awiting Ikaw Lang Ang Aking Mahal. Makikitang may hawak siyang gitara at todo-bigay sa pagkanta nang biglang bumukas ang pinto. Nakatingin lang si Jennylyn Mercado sa kanyang asawa na tuloy lang sa pag-emote sa kanyang pagkanta. Nang mapalingon si Dennis ay nabigla siyang makita si Jennylyn na nakatingin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel