Dennis Trillo, binahagi ang cute na video ng kanyang mag-ina

Dennis Trillo, binahagi ang cute na video ng kanyang mag-ina

- Idinaan ni Dennis Trillo ang pagkamiss niya sa mag-ina niya sa pamamagitan ng pag-post ng video ng nina Jennylyn Mercado at Baby Dylan

- Sa kanyang Instagram post ay makikitang pinapatawa ni Jennylyn ang anak nila

- Habang nakaupo ay tawa naman nang tawa ang anak nila sa kanyang mommy

- Marami sa mga netizens ang naaliw sa anila ay cute na cute at nakakahawang tawa ni Baby Dylan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Dennis Trillo ang cute na video ng mag-inang Jennylyn Mercado at Baby Dylan. Ani Dennis, miss niya na ang kanyang mag-ina.

Dennis Trillo, binahagi ang cute na video ng kanyang mag-ina
Dennis Trillo, binahagi ang cute na video ng kanyang mag-ina (@mercadojenny)
Source: Instagram

Sa naturang video ay makikitang pinapatawa ni Jennylyn si Dylan. Hindi naman ito nabigo dahil bukod sa cute na cute ay ayon sa mga netizens ay nakakahawa ang tawa ni Dylan. Nakaupo na rin ito. Sa sobrang tawa niya ay napahiga pa ito.

Read also

Katrina Velarde, pinakilala ang kanyang bagong karelasyon

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Ang cute nakakahawa yung tawa ni bagets

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

So cuuute! Matutumba na sya sa kakatawa
I keep watching this over and over. A baby’s laugh is so infectious. Baby Dylan is soooo cute!

Si Jennylyn Mercado ay isang Kapuso actress na nakilala matapos niyang manalo sa talent search na Starstruck ng GMA-7. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang isang mang-aawit, recording artist at product endorser. Sa kabila ng kanilang nakaraan, maganda ang relasyon ni Jennylyn sa asawa ng kanyang ex na si Patrick na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz. Kaya naman marami ang natutuwa sa mga bonding moments nila na ibinabahagi nila sa social media.

Matatandaang pinakita ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang di inaasahang pangyayari matapos nilang magtungo sa ospital para magpa-check-up. Marami ang nawindang sa huling bahagi ng kanilang YouTube video dahil manganganak na pala si Jen.

Read also

Sunshine Cruz sa video nina Cesar Montano at Kath Angeles: "Ang cute nyo Kath"

Ayon kay Jennylyn, malapit na siyang magbalik sa showbiz matapos ang kanyang pamamahinga dahil sa kanyang panganganak kay Baby Dylan. Sa panayam ni Nelson Canlas kay Dennis Trillo ay binati ni Jennylyn ang reporter kaya sinabihan niya ito na bumalik na sa trabaho. Matatandaang kinailangang itigil ng aktres ang kanyang taping sa seryeng "Love. Die. Repeat." Pinayagan naman siya ng GMA na ipagpatuloy na lamang niya ang naturang serye kapag pwede na siyang magtrabahong muli.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel