Vice Ganda, MC at Lassy, sumabak sa 'Panginig challenge' ni Ion Perez

Vice Ganda, MC at Lassy, sumabak sa 'Panginig challenge' ni Ion Perez

- Kabilang sina Vice Ganda, MC at Lassy sa mga sumabak sa challenge ni Ion Perez na pinakita niya sa kanyang vlog

- Ang challenge ay tinawag niyang Panginig Challenge kung saan gumamit siya ng massager

- Habang nakakabit ang massager sa braso ay kailangan masalin nila ang laman ng tubig mula sa isang baso papunta sa bote ng mineral water

- Ang makakapagsalin ng pinakamaraming tubig sa bote ang siyang mananalo

Kinaaliwan sina Vice Ganda, MC, Lassy at iba pang staff ng It's Showtime sa challenge ni Ion Perez na 'Panginig Challenge.' Kahit nahirapan ay hindi nila inatrasan ang challenge.

Vice Ganda, MC at Lassy, sumabak sa 'Panginig challenge' ni Ion Perez
Vice Ganda, MC at Lassy, sumabak sa 'Panginig challenge' ni Ion Perez
Source: Youtube

Gamit ang isang massager na idinidikit sa balat ay game na sumalang sa challenge ang magkakaibigan.

Dahil sa massager ay hindi masyadong nako-kontrol ang muscles kaya mahirap galawin ang bahagi kung saan nakakabit ang massager.

Sa naturang challenge ay kailangan nilang maisalin ang tubig mula sa baso papunta sa bote. Ang sinumang makakapagsalin ng pinakamaraming tubig ang siyang mananalo.

Read also

Jaclyn Jose, pumanaw ngayong Marso 3, 2024 sa edad na 60

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel