Cassy Legaspi, nagsalita sa pinag-uusapang isyu sa pagitan nila ni Darren Espanto

Cassy Legaspi, nagsalita sa pinag-uusapang isyu sa pagitan nila ni Darren Espanto

- Nagbigay ng pahayag si Cassy Legaspi kaugnay sa naging isyu matapos magsalita si Darren Espanto kaugnay sa real score sa pagitan nila

- Dahil sa kanyang naging pahayag ay nabigyan ng kulay ang mga post nina Cassy at Carmina Villarroel kamakailan

- Gayunpaman, sinabi ni Cassy na walang ibang kahulugan ang mga post na binahagi nila ng kanyang ina kamakailan

- Sinabi niya na mahirap ipaliwanag ang uri ng kanilang relasyon ngunit itinuturing niya si Darren bilang kanyang best friend

Sa isang panayam sa morning program ng GMA na "Unang Balita," iginiit ni Cassy na matalik niyang kaibigan si Darren at walang "bad blood" sa pagitan nila. Sinabi niya na mahirap ipaliwanag ang uri ng kanilang relasyon ngunit itinuturing niya si Darren bilang kanyang best friend.

Cassy Legaspi, nagsalita sa pinag-uusapang isyu sa pagitan nila ni Darren Espanto
Cassy Legaspi, nagsalita sa pinag-uusapang isyu sa pagitan nila ni Darren Espanto
Source: Instagram

Ayon sa ulat, nilinaw ni Cassy na walang ibig sabihin at wala silang pinaparinggan ng kanyang ina sa mga nakaraang posts sa social media. Binanggit din niya na ang mga post niya ay tungkol sa kanyang hilig sa pagpost ng kanta habang ang mga post naman ng kanyang ina, si Carmina Villarroel, ay mga bible verses o quotes.

Read also

Brenda Mage, pinangalan sa mga alagang aso ang pangalan ng mga ex niya

Kamakailan lang, nilinaw ni Darren na sila ay best friends lamang at walang iba pang ibig sabihin sa kanilang relasyon.

Bukod dito, nagkaroon din ng reaksiyon ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin sa "Cristy Ferminute," kung saan kinuwestiyon niya ang mga isyu sa pagitan nina Darren at Cassy. Binigyang diin ni Fermin na wala pang anumang pag-amin mula sa dalawa na naging sila ngunit naging vocal naman sila tungkol sa kanilang pagkakaibigan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Cassy Legaspi ay isa sa kambal na anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. Si María Carmina Muñiz Villarroel-Legaspi o mas kilala sa kanyang screen name na Carmina Villarroel-Legaspi ay isang Filipina actress at kilalang TV host. Siya ang misis ng isa ring aktor na si Zoren Legaspi.

Sa kanyang YouTube video, ibinahagi ni Carmina ang mga naging kasagutan ng kanyang mister na si Zoren sa ilang mga katanungan. Kabilang na dito ang tungkol sa umano'y pinakapaboritong bahagi nito sa kanilang kasal. Ani Zoren, iyon ay ang paglalakad ni Carmina sa aisle dahil sa emosyon na kanyang nararamdaman noong mga panahong iyon - Dito na nagsimulang balikan ni Zoren ang isa sa mga dahilan kung bakit niya naisipang ituloy ang kanilang surprise wedding na may kinalaman pala sa ama ni Carmina.

Read also

Netizens, napansin na si Bea Alonzo pa rin ang wallpaper sa phone ni Dominic Roque

Naitanong ni Carmina ang ilan sa mga katanungan para sa kanyang asawang si Zoren Legaspi sa isang vlog. Kabilang dito ay kung handa na ba ito na magkaroon ng karelasyon ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi. Aminado si Zoren na hindi pa siya handa at nagbigay pa ito ng kanyang saloobin kaugnay sa aniya'y nakaugalian kaya maagang namumulat ang mga bata sa pakikipagrelasyon. Naniniwala umano siyang kahit nasa 21 na ang kanyang mga anak ay hindi ito nangangahulugang handa na sa pakikipagrelasyon ang mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel