Brenda Mage, pinangalan sa mga alagang aso ang pangalan ng mga ex niya

Brenda Mage, pinangalan sa mga alagang aso ang pangalan ng mga ex niya

- Binahagi ni Brenda Mage sa kanyang bagong video ang mga alaga niyang tuta na hinango niya ang mga pangalan mula sa mga pangalan ng kanyang naging ex

- Gayunpaman, dahil ang isa sa kanila ay babae, imbes na Gio, pinangalanan niya itong Gia. Marami ang naaliw sa video na ito ni Brenda

- Matatandaang si Gio ang pinakahuling naging karelasyon ni Brenda at tumagal sila ng 22 na buwan

- Kamakailan lang nang isapubliko ni Brenda ang tungkol sa kanilang paghihiwalay

Isang nakakatawang video ang binahagi ni Brenda Mage sa kanyang bagong vlog kung saan ipinakilala niya ang kanyang mga alagang aso na ang mga pangalan ay hinango mula sa mga pangalan ng kanyang mga dating kasintahan.

Brenda Mage, pinangalan sa mga alagang aso ang pangalan ng mga ex niya
Brenda Mage, pinangalan sa mga alagang aso ang pangalan ng mga ex niya
Source: Youtube

Sa nasabing video, ipinakita ni Brenda ang kanyang mga alagang tuta at ibinahagi ang mga pangalan na kanyang ibinigay sa kanila. Ipinangalan niya ang mga ito base sa mga pangalan ng kanyang mga ex. Gayunpaman, dahil isa sa kanila ay babae, hindi niya ginamit ang pangalang "Gio" kundi "Gia."

Read also

Dennis Padilla, binalikan ang masasayang alaala niya sa mga anak

Ang kanyang kakaibang pagpili ng pangalan para sa kanyang mga alaga ay agad na nagpatawa at nagbigay-saya sa mga manonood.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahagian lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend.

Read also

Brenda Mage sa kanyang bashers: "Ang daming galit sa ganda ko. Balakayojan"

Binahagi ni Brenda ang kanyang susunod na ipapagawa matapos ang pinagawa niyang bahay niya sa kanilang probinsiya. Aniya, dahil natapos na ang bahay niya at ng kanilang mama, ipapagawa niya na rin ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki. Pabiro pa nitong siningil ang aniya'y may utang sa kanya para aniya ay pangdagdag lang sa pagpapagawa niya ng bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel