Brenda Mage, binigyan ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend

Brenda Mage, binigyan ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend

- Binigyan ni Brenda Mage ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana

- Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites"

- Nilinaw niyang binahaginan lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito

- Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend

Proud si Brenda Mage sa kanyang pagbibigay ng bagong cellphone sa kanyang boyfriend. Sa kanyang Facebook post ay binida niya ang pictures ng kanyang boyfriend hawak ang bagong cellphone na bigay niya.

Brenda Mage, binigyan ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend
Brenda Mage
Source: Facebook

Gayunpaman, nilinaw niyang binahaginan lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito kamakailan. Pabiro din niyang pinahagingan ang aniya'y mga "Marites."

Read also

Ian Veneracion, isa ding mahusay na pintor kagaya ng kanyang ama

Oh diba ang Sweet.. Binigyan ko sya ng Iphone binigyan nya ako ng pinakulob na Itik hahahahaha…. Oh mga Maritess nagbigay na ako ng iphone tama kayo gastos talaga pag manglalaki haha… oops Share ko yan sakanya dahil sa income ko sa Vlog nung bumisita ako sa bahay nila Labyu Gio Sta Ana.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Simula nang isapubliko ni Brenda ang tungkol sa kanyang bagong karelasyon ay umani ng mga reaksiyon ito sa mga netizens. May mga nagsasabing pera lamang ang habol sa kanya ng bagong boyfriend ngunit diretsahan niya itong sinagot.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Read also

Brenda Mage, umalma sa mga nagsasabing pineperahan lang siya ng boyfriend

Sa pagbabalik bahay ni Brenda agad silang pinagkuwento ni Big Brother sa confession room kung saan kasama naman niya si Madam Inutz. Dito ay naibahagi niya ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dati niyang kinakasama. Nalungkot siya at nag-alangan umano na bumalik sa PBB.

Kamakailan ay ginulat ni Brenda ang publiko sa kanyang mga post. Muli niyang binida ang pagkakaroon niya ng bagong karelasyon. Suportado naman umano ng ina ng kanyang boyfriend ang kanilang relasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel