Ina ng bagong BF ni Brenda Mage, suportado ang relasyon ng anak sa komedyante

Ina ng bagong BF ni Brenda Mage, suportado ang relasyon ng anak sa komedyante

- Ibinahagi ni Brenda Mage sa publiko kung sino na ang bago niyang karealasyon

- Katunayan, pumunta pa talaga sila tahanan nito upang makilala ang kanyang pamilya

- Suportado ng ina ng lalaki ang realasyon nito kay Brenda Mage

- Sa ngayon, abala rin si Brenda sa pagpapagawa ng bahay nila sa probinsya na inspired by Pinoy Big Brother house

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinumpirma ni Brenda Mage na may bago na siyang boyfriend at ito ay si Gio Sta. Ana.

Ina ng bagong BF ni Brenda Mage, suportado ang relasyon ng komedyante sa kanyang anak
Brenda Mage at Gio Sta. Ana (Photo: Brenda Mage)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kamakailan lang ay nagtungo pa si Brenda sa tahanan nina Gio upang makilala ang pamilya nito.

Agad siyang sinalubong ni Gio na may mga bulaklak pang bigay sa kanya.

Kapansin-pansin din ang pagsalubong ng ina ni Gio kay Brenda na labis na natutuwa sa kanilang pagpunta.

Read also

Ana Jalandoni, opisyal nang na-welcome ng kanyang Cornerstone family

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa video, kitang-kita na at home na at home ang komedyante sa tahanan ng bagong nagpapatibok sa puso niya.

Nang tanungin naman ang ina ni Gio, sinabi nitong suportado niya ang realasyon ng dalawa.

"Oo, open naman ako kasi nga 'di ba may kapatid din naman akong... Ok lang kasi siya nagdesisyon e. Kahit naman sino, kahit na babae, kahit na basta't minahal ng anak ko mahal ko rin talaga," pahayag ng ina ni Gio.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa pagbisita ni Brenda kay Gio na naibahagi niya sa kanyang Facebook page:

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates.

Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Read also

Vice Ganda, makulit na ginaya ang baby talk ni Andrea Brillantes

Kamakailan, nagbigyan muli ng pagkakataong makabalik sa bahay ni Kuya si Brenda kung saan hinirang pa siyang 5th placer.

Ito ay matapos na magwagi ni Brenda sa isang task kung saan nakatunggali niya si Madam Inutz na siyang naging daan upang makasama siya sa big 5.

Samantala, 4th placer naman ang teen housemate na si Rob Blackburn, 3rd placer ang beauty queen na si Samantha Bernardo. 2nd placer naman ang adult housemate na si Isabel Laohoo at ang big winner ng Kumunity Season 10 ay si Anji Salvacion ng celebrity edition.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel