Ana Jalandoni, opisyal nang na-welcome ng kanyang Cornerstone family

Ana Jalandoni, opisyal nang na-welcome ng kanyang Cornerstone family

- Opisyal nang inanunsyo ng Cornerstone na bahagi na ng kanilang pamilya si Ana Jalandoni

- Agad naman itong pinasalamatan ng model/actress na tila unti-unti nang nakakabangon sa umano'y masaklap na dinanas sa kamay ni Kit Thompson

- Matatandaang ang Cornerstone din ang talent agency ni Kit kaya ang ilan, nakaramdam ng bahagyang pangamba

- Gayunpaman, inaasahan daw ng marami na mas madalas nang mapapanood si Ana ngayong nasa kamay na siya ng Cornerstone

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Na-welcome na ng Cornerstone family ang pinakabago nilang talent na si Ana Jalandoni.

Ana Jalandoni, opisyal nang na-welcome ng kanyang Cornerstone family
Photo: Ana Jalandoni
Source: Facebook

Sa Instagram post ng Cornerstone, binati nila si Ana bilang bahagi ng kanilang pamilya.

Agad naman itong pinasalamatan ng model/actress na tila unt-unti nang nakabangon sa sinapit niya noon sa dating kasintahan na si Kit Thompson. Matatandaang ang Cornerstone ay iyon rin ang talent agency ni Kit.

Read also

Tom Rodriguez, nag-post ng larawan ng dalawang kamay na tila nakawala sa gapos

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa Instagram lamang umano pinadalhan ng mensahe ni Kit na nagso-sorry sa nangyari. Hindi naman na raw ito sinagot pa ni Ana.

"Nag-message siya thru Instagram to say sorry," ang sagot ni Ana nang matanong siya ni Boy Abunda kung sinubukan ba umano ni Kit na kausapin si Ana.

At kahit na tawagan pa siya ni Kit, lakas-loob niya itong kakausapin para ibulalas ang lahat ng sama ng loob at sakit ng sinapit niya rito.

Maaring mapatawad naman niya si Kit na sinabi niyang "in time," subalit nakasisiguro siyang hindi na niya ito babalikan kailanman.

Marso 17 nang gumulantang sa publiko ang marahas na sinapit ng model/actress na si Ana Jalandoni sa kamay ng nakarelasyon si Kit Thompson.

Nito lamang Marso 28 ay nagpa-press conference na si Ana Jalandoni kaugnay sa kontrobersyal na pananakit umano sa kanya ni Kit Thompson na noo'y umamin na sa kanya ng anger management issues nito kaya naman napayuhan na rin niya itong kumunsulta na sa eksperto.

Read also

Vlogger, nag-iiwan ng pera sa iba't ibang lugar para hanapin ng maswerte niyang follower

Kasama ang kanyang pamilya at abogado, sinabi ni Ana na selos 'di umano sa dati niyang asawa ang naging ugat ng matinding pananakit sa kanya ng aktor. Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag naman si Kit na nagbura na ng mga larawan nila ni Ana sa kanyang social media.

Samantala, si Kit Thompson ay isang aktor, model at TV host na unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong 2012. Naging bahagi agad siya ng ilang programa sa ABS-CBN nang makalabas siya sa bahay ni Kuya sa parehong taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel