Dennis Padilla, binalikan ang masasayang alaala niya sa mga anak

Dennis Padilla, binalikan ang masasayang alaala niya sa mga anak

-Nag-guest si Dennis Padilla sa YouTube program ni Aster Amoyo na TikTalk with Aster Amoyo

- Dito ay binalikan ni Dennis ang magagandang alaala nila kasama ang mga anak nila ni Marjorie Barretto

- Nabanggit niya rin na napagtanto niyang hindi nakakabuti ang mga paglabas niya ng saloobin sa kanyang mga anak sa social media kaya sa kasalukuyan daw ay kadalasang pagbati na lang ang kanyang post sa mga anak

- Hiling ni Dennis na sana dumating ang panahon na makasama niya ang mga anak sa mahahalagang okasyon sa buhay nila

Sa isang espesyal na episode ng "TikTalk with Aster Amoyo," binigyan ng pagkakataon si Dennis Padilla na magbahagi ng mga magagandang alaala kasama ang kanyang mga anak mula sa dati niyang asawang si Marjorie Barretto.

Dennis Padilla, binalikan ang masasayang alaala niya sa mga anak
Dennis Padilla, binalikan ang masasayang alaala niya sa mga anak
Source: Youtube

Sa naturang programa, ipinahayag ni Dennis ang kanyang mga saloobin hinggil sa kanyang pamilya at ang mga bagay na kanyang natutunan sa paglipas ng panahon.

Read also

Cianne Dominguez, nagbahagi ng bagong post matapos ang pinagdaanan

Binalikan ni Dennis ang mga masayang alaala na nila ng kanilang mga anak ni Marjorie. Ibinahagi niya ang kanyang pagmamahal at pangungulila sa kanila. Aniya, mas pinili na niyang mag-focus sa pagpapakita ng pagbati at pagmamahal sa kanyang mga anak sa pamamagitan ng mga post.

Nagbigay-pugay rin si Dennis sa kanyang anak na si Julia Barretto, na kamakailan ay bumati sa kanya sa kanyang kaarawan. Binanggit din niya ang kanyang pagmamalaki sa tagumpay ng anak sa larangan ng showbiz, at inihayag ang kanyang patuloy na suporta sa kanyang karera.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Dennis Padilla o Dennis Esteban Dominguez Baldivia ay isang Filipino comedian, TV host, radio broadcaster at aktor. Anak siya ni Dencio Padilla, at siya ang ama ni Julia Barretto. Nagsilbi siya bilang konsehal ng Caloocan City noong 2001.

Read also

Dennis Padilla sa mga ex: "Gusto kong humingi ng kapatawaran"

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito. Kinalaunan ay sumagot si Leon sa pamamagitan ng isang open letter. Pinaliwanag niya ang knyang saloobin at dahilan kung bakit hindi niya nagawang batiin ang ama. Naitanong niya rin dito kung bakit kinakailangang pahiyain ni Dennis ang anak sa publiko.

Samatala, isang sulat ang binahagi ni Dennis kung saan nilabas niya ang saloobin tungkol sa kanyang pagiging ama. Aminado siyang pinagsisihan niya ang mga maling bagay na kanyang nagawa sa kanyang buhay. Aniya, hindi man siya nakasama ng mga anak ngunit hindi nawala sa kanyang puso ang pagmamahal niya para sa mga anak. Kung may isang kahilingan umano siya, ito ay ang makasama niya ang kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel