Brenda Mage sa kanyang bashers: "Ang daming galit sa ganda ko. Balakayojan"

Brenda Mage sa kanyang bashers: "Ang daming galit sa ganda ko. Balakayojan"

- Nag-post si Brenda Mage tungkol sa mga negative comments sa kanya kasunod ng breakup nila ni Gio Sta. Ana

- Binahagi niya ang kanyang mensahe kalakip ang kanyang picture na nagpapakita na hindi siya apektado sa mga negatibong komento

- Aniya, pinagpapasalamat niya ang binigay na mukha sa kanya dahil mga gwapo ang kanyang naging karelasyon

- Sa kanyang simpleng pahayag, ipinakita ni Brenda ang kanyang pagiging positibo sa kabila ng mga negatibong komento na kanyang natatanggap

Nag-post si Brenda Mage ng mensahe sa gitna ng mga negatibong komento mula sa ilang netizens matapos ang kanyang paghihiwalay kay Gio Sta. Ana. Ito ay upang ipahayag ang kanyang pagiging hindi apektado sa mga ito.

Brenda Mage sa kanyang bashers: "Ang daming galit sa ganda ko. Balakayojan"
Brenda Mage sa kanyang bashers: "Ang daming galit sa ganda ko. Balakayojan"
Source: Facebook

Sa isang post sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Brenda ang kanyang mensahe na may kasamang larawan na nagpapakita ng kanyang masayang mukha. Sabi niya, "No to negative Vibes… Basta Thankyou Lord for this Face.. grabe ang gwapo ng mga naging Jowa ko ang daming galit sa Ganda ko. Balakayojan"

Read also

Cianne Dominguez, nagbahagi ng bagong post matapos ang pinagdaanan

Sa kanyang simpleng pahayag, ipinakita ni Brenda ang kanyang pagiging positibo sa kabila ng mga negatibong komento na kanyang natatanggap mula sa ilang mga tao. Binanggit niya ang pasasalamat sa Panginoon para sa kanyang kagandahan, kasabay ng biro hinggil sa mga dating karelasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahagian lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend.

Read also

Dennis Padilla, binalikan ang masasayang alaala niya sa mga anak

Binahagi ni Brenda ang kanyang susunod na ipapagawa matapos ang pinagawa niyang bahay niya sa kanilang probinsiya. Aniya, dahil natapos na ang bahay niya at ng kanilang mama, ipapagawa niya na rin ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki. Pabiro pa nitong siningil ang aniya'y may utang sa kanya para aniya ay pangdagdag lang sa pagpapagawa niya ng bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel