Netizens, napansin na si Bea Alonzo pa rin ang wallpaper sa phone ni Dominic Roque

Netizens, napansin na si Bea Alonzo pa rin ang wallpaper sa phone ni Dominic Roque

- Usap-usapan ang isang video kung saan makikita si Dominic Roque sa isang event sa Cebu kamakailan

- Makikita sa video na binahagi ng vlogger ba si Bonal Robel ang pagpapaunlak ni Dominic sa video at nahagip ang kanyang cellphone

- Dito ay napansin ng netizens ang wallpaper nito na picture pa rin ni Bea Alonzo kasama ang aso nitong si Walter

- Matatandaang lumabas na rin ang espikulasyong nagkabalikan na ang dalawa ngunit wala pang kumpirmasyon mula sa kanila

Isang video ang usap-usapan kamakailan sa social media kung saan makikita ang nasa wallpaper ng cellphone ni Dominic Roque.

Ito ay bahagi ng isang post na binahagi ng vlogger na si Bonal Robel, kung saan ipinapakita ang mga kaganapan sa isang event sa Cebu City kamakailan na nilahukan ni Dominic.

Netizens, napansin na si Bea Alonzo pa rin ang wallpaper sa phone ni Dominic Roque
Netizens, napansin na si Bea Alonzo pa rin ang wallpaper sa phone ni Dominic Roque
Source: Facebook

Sa naturang video, hindi maiwasang mapansin ng mga netizens ang wallpaper ng cellphone ni Dominic. Ito ay walang iba kundi isang larawan ni Bea Alonzo, kasama ang kanyang aso na si Walter.

Read also

Bea-Dom fans, kinilig sa post ni Dominic na ayon sa fans ay aso ni Bea na si Walter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang larawan ni Bea at Walter sa wallpaper ng cellphone ni Dominic ay agad na nagpalakas ng teorya at spekulasyon mula sa mga netizens tungkol sa tunay na estado ng relasyon ng dalawa.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Read also

Carlo Aquino, puring-puri ang ganda ni Charlie Dizon

Sinagot ni Beatriz Saw ang komento ng isang netizen tungkol sa opinyon niya matapos ang kumpirmasyon sa hiwalayang Bea at Dominic Roque. Ayon sa netizen na ito, masyadong mataas ang tingin ng tao kay Bea dahil meron siyang lupain. Dagdag pa nito, kahit gaano kayaman ang tao kung may 'something' daw sa character ay hindi talaga papakasalan ng lalaki. Sagot naman ni Beatriz ay wala namang something sa character ng kaibigan niyang si Bea.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel